Chapter 34: Mom

69 4 0
                                    

Chapter 34:

Mom


Mitchie's.

Naglakad ako pabalik sa classroom na parang walang nangyari sa pagitan namin ni Kylie. Hindi ko hinayaan na ipakita sa ekspresyon ng mukha ko na apektado ako sa naging pag-uusap namin, kung matatawag mang usap iyon.

When Janelle started to tell all those nonsense words, that’s when I knew that I lost it. She got into my nerves, I didn’t notice that I was already clenching my fist. Hindi ko napigilan at naglakad ako palayo para lang hindi na siya marinig pero noong sinundan ako ni Kylie, nagtuloy-tuloy na ang lumabas na mga salita sa bibig ko.

I didn't regret anything I've said kahit pa nakita ko ang repleksyon ng sakit sa mga mata niya. Hindi lang naman siya ang nasasaktan dito.

I only want a peace of mind and I know the only thing to attain it is to officially cut my ties with Kylie.


Nang pumasok ako sa room, si Janelle agad ang bumungad sa ‘kin.

"Nagkaayos ba kayo, Mitchie? If you still didn't, you should thank me. Kylie isn't a worthy friend. Patuloy ka lang niyang pagmumukhaing walang kwenta. Sana hindi mo na siya naisipang kaibiganin ulit. Let's watch her as she suffers being alone," she smirked proudly.

My eyebrows met. Ano ba talaga ang pakulo ng babaeng 'to? Pinaplastik niya ba si Kylie?

Wala na sana akong pakialam doon pero kumulo ang dugo ko.

"Nagka-ayos man kami o hindi, wala ka ng pakialam doon."

Hindi ko na tiningnan kung ano ang naging reaksyon niya at nilampasan na lang siya para bumalik sa upuan ko. Nasa likod ko lang si Ace na biglang tinapik ang balikat ko. I glanced at him over my shoulder and smiled to assure him that I'm fine.

Pumasok na ang sunod na subject teacher at hindi pa rin nakabalik si Kylie sa room. Hindi na siguro siya papasok. Hindi ko na dapat siya iniisip, but I know that's impossible after everything we've been through as friends. Turned out she will always have a space in my heart.

Buong klase, kahit subukan kong magfocus, nililipad pa rin ang utak ko sa kung saan kaya si Kylie. Napabuntong-hininga na lamang ako nang umabot na lang ang uwian ay hindi na talaga bumalik si Kylie.

It's bold of me to say this after everything I've said to her, but I hope she's fine and holding up.

I'm in the middle of fixing my things when Kuya Charlie called. Isibukbit ko muna ang bag ko sa balikat at sinagot na ang tawag ni Kuya.

I just motioned Ace that I will be leaving the room and waved at him. Tumango lamang siya kaya lumabas na ako.

"Nandito na ako sa parking lot ng Cambridge. Dito na lang kita hihintayin," bungad niya na tinanguan ko kahit hindi niya ako nakikita.

I hurriedly walked downstairs. Hindi naman mahaba ang lakarin sa parking pero binilisan ko pa din. Bakit pakiramdam ko bigla na may good news na naghihintay sa'kin sa bahay? 

"Papunta na ko, Kuya." 

"Salubungin ba kita?" 

"Huwag na, Kuya. Malapit na rin naman ako." 

Isa pa, medyo masikip na sa entrance at exit ng Cambridge dahil nga uwian na. 

"Okay, sige. Hihintayin na lang kita dito." 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now