Chapter 6: Voting

150 7 7
                                    

Chapter 6

Voting


Kylie's.

Tumigil na kami sa pagkukwentuhan ni Mitchie nang nag-bell na.

4 hours...

Apat na oras na lang ang natitira at iaannounce na kung sino ang bagong officers ng SSG ngayong taon.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba at nanginginig ang mga kalamnan ko habang paakyat sa hagdan papunta sa room. Nandoon na kaagad si Ma’am Tine nang makarating kami, ang adviser namin na nakilala agad ako sa unang araw ng klase kahit hindi ko siya mapamilyaran noon.

"Good afternoon, class! Today is the voting for the new officers of Supreme Student Government. The new student leaders will be at your hands so I am hoping that you will all vote wisely and pick someone you think is deserving for the position."

Ipinigay ni Ma’am ang ballot sa mga kaklase ko hanggang sa makaabot iyon sa amin ni Mitchie.

Ilang beses akong napalunok nang mahawakan na ito.

Ilang beses ko ring tinitigan ang pangalan namin ni Ace na natatanging tumatakbo para sa posisyon ng SSG president.

I stared at Ace who is silently staring at his ballot while holding it firmly. I heaved a deep sigh, calming myself, before I voted myself for President.

Whatever the outcome may be, I have to accept it. I need to.

Nagdiscuss ng kaunti si Ma'am at nagpaquiz. Ganyan din ang ginawa ng ibang teacher namin sa loob ng apat na oras.

Pero tila lutang ako at hinintay lang ata mag-bell, hudyat na announcement of new sets of officers na.

At, nang mag-bell, tila rin ako parang robot na biglang tumayo at nag-ligpit ng gamit.

Pati ang pagsabi ni Ma’am na kailangan naming lahat pumunta sa quadrangle para masaksihan ang new sets of SSG officers ay hindi ko na pinakinggan.

Aligaga sa pagkuha ng bag ang mga kaklase ko at paunahan na naman sa paglabas ng pinto. At dahil nasa loob pa ng room si Ma'am, sinita sila at pinapila ng maayos.

Hinintay namin ni Mitchie makalabas ang lahat bago naglakad na rin palabas ng pinto. Pero bago iyon, tinapik niya muna ako sa balikat at nginitian.

She must have notice the uneasiness  in my face.

Simpleng ngiti lamang iyon pero napagaan ako. It was comforting.

"I am always proud of you, Kylie. Makuha mo man ang posisyon o hindi," she said. "Tara na," at iginiya niya na ako palabas ng classroom.

“Thank you, Mitch,” I replied, hugging her side.

Sabay kaming bumaba papuntang quadrangle at marami na kaagad ang mga tao.

Huminga na naman ako ng malalim at pinaalalahanan ang sarili ko na kung manalo man si Ace at matalo ako... kailangan kong tanggapin.

He deserves it, anyway.

We are both deserving, I won’t make myself down. But, the votes will decide for who will get the position even if we are both deserving from it.

Tinanaw ko ang mga nakaupo sa stage, ang mga tatakbo sa posisyon ng SSG officers. Nandoon na rin si Ace at bakante ang pwesto sa tabi niya kung saan ako uupo.

"Umakyat ka na. Nandito lang ako, ah!" ani Mitchie.

Tumango ako at niyakap siya. "Thank you."

I'm really lucky to have Mitchie by my side.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now