Chapter 18: Clinic

138 6 3
                                    

Chapter 18

Clinic


Kylie's.

Nagising na lamang ako nang nangangalay ang likod, ayun pala nakatulog na ako dito sa lamesa ng study room ko. Nakabukas pa ang lampshade kaya pinatay ko na dahil nagsisimula na siyang mag-init. Nakatulog na pala ako dito kagabi habang gumagawa ng regalo kay Mitchie!

Napahawak ako sa ‘king noo at saglit na napa-daing sa sakit ng katawan. Hanggang gabi at umaga ba naman ay ganito ang pwesto ko, nakatungo lang ang noo sa study desk at nakaupo sa upuan kaya nangalay ang buo kong katawan.

I slowly stretched out my hands and yawned.

Nang tingnan ko ang orasan ay 7:30am na. Pabalikwas akong tumayo sa upuan at dali-daling pumunta sa banyo kahit paika-ika pa rin sa sakit ng likod at medyo masakit pa ang ulo dahil sa pwesto ng tulog ko kagabi.

Nagmadali na lang akong kumilos para pumasok sa school kahit sobrang late na ako.

Pasado alas otso na ako nakarating at buti na lang, wala pa si Ma'am Tine. Hindi ko alam kung late din siya or pumunta lang ng faculty room saglit.

Umupo na lang ako sa tabi ni Mitchie na pina-ulanan agad ako ng tanong. Nakita ko rin si Ace sa gitna na sinundan ako ng tingin hanggang sa maka-upo. Agaw atensiyon naman talaga ang ginawa ko dahil late na akong pumasok.

"Bakit late ka, Ky? Okay ka lang? Ano'ng nangyari sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Mitchie hanggang maka-upo ako sa tabi niya.

I feel unwell. Ganito talaga ako kapag hindi nagkakaroon ng maayos na tulog, nakadagdag pa doon ang hindi ko kumportableng tulog kagabi and I bet past midnight na ako nakatulog noon. Ang hina ko talaga sa puyatan.

Kaya madalas kapag nag-aaral, hindi ako inaabot ng alas onse dahil wala ng pumapasok sa utak ko dahil sa antok. I believe that resting is as important as studying.

Pero iba ang nangyari kagabi, gusto ko ng tapusin ang regalo ko para kay Mitchie at hindi ko napansin na nakatulog na pala ako na dapat ay idlip lang.

Hindi ako sumagot kay Mitchie dahil hindi ko rin naman pwede sabihing nalate ako dahil late rin akong natulog kagabi dahil sa paggawa ng regalo ko sa kaniya. It is supposed to be a secret surprise.

Itinungo ko na lang ang ulo ko sa lamesa, ang pisngi ang nakalapat. Mitchie was quick to hold my forehead using her palm.

She gasped na parang gulat na gulat talaga. "Gosh, Kylie, you're burning up!"

Hindi ko napansin iyon dahil sa pagmamadali na makarating dito. Hindi ko rin nagawang mag react sa sinabi ni Mitchie dahil sa kawalan ng lakas.

I'm not used in sleeping late, siguro kaya nagka lagnat ako, masiyado kong binigla ang katawan ko kagabi.

Tumayo si Mitchie at bago pa siya maka-alis, tinanong ko na kung saan siya pupunta.

"Kay Ace. He needs to know this para madala ka niya sa clinic."

"Bakit si Ace pa? Pwede namang ikaw, ah."

Nakakahiya lang talaga kay Ace na bulabugin pa namin siya kahit kaya ko namang pumunta ng clinic. Nakapunta nga ko ng school na ang layo sa bahay namin, paano pa kaya sa clinic na kaunting lakaran lang naman.

"Kailangan pa din natin si Ace so he could ask permission for the school nurse na doon ka muna magstay sa clinic para makapagpahinga at mabigyan ka ng excuse letter para sa mga subjects."

May punto si Mitchie dahil class president at SSG president si Ace kaya mahihingian niya ako ng excuse letter sa school nurse. Tumango na lang ako at hindi na um-angal.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now