Chapter 44: Tagaytay

68 3 0
                                    

Chapter 44:

Tagaytay

Mitchie's.

I woke up because of my alarm clock set to 7AM. Si Justin talaga ang nag-set ng alarm na ito para ganitong oras din ako magising. I stared at the ceiling, still feeling lifeless. Parang paulit-ulit lang ang araw ko. Gigising para bumangon at kumain. My life is like a cycle anymore. Nakakatamad na.

Pinatong ko ang kamay ko sa noo ko at napapikit ulit. Maya-maya lang, I heard my door opened. Napadilat tuloy ulit ako at napatingin sa gawi ng pinto. Kuya walked towards me with a tray in his hands.

Napapikit na naman ulit ako. Ganito na lang sila tuwing umaga. Para akong bina-baby. Katulad nito, dinadalahan ako palagi ng breakfast in bed. Kahit kaya ko namang bumaba.

Umupo si Kuya sa tabi ko at hindi ko siya pinansin. He sigh. "You need to eat." 

"Kuya." I stared intently at him. "Hindi na ko bata. Kaya ko kumain mag-isa." naupo na ko sa higaan at kinuha ang tray sa kamay niya. "Thank you. You can leave me alone now." 

Napabuntong-hininga ulit siya. "Okay. Just call me if you need anything. And, leave the door open." 

Napatango na lang ako. 

Naglakad na siya papunta sa pinto pero nilingon pa ulit ako. "By the way, Justin's downstairs." 

Dahan-dahan lang akong napatango at nagsimula munang kainin ang saging dito sa tray. Nabasa ko kasi na fruits should be eaten first. Hindi naman ako galit kina Kuya na ginaganito nila ako, I actually appreciate it. Palagi silang nakaantabay sa'kin at minsan lang nila ko pinapayagan mag-isa. 

I appreciate it, really. But I know what their motives are; they expect me to heal fast. They expect my pain to easily go away. Na parang ang dali-dali nun. Normal lang naman siguro na makaramdam pa din ako ng ganitong pagdadalamhati dahil hindi pa naman ganun katagal simula nung mangyari ang insidenteng 'yon. 

I have my own ways of healing. And maybe matagalan but it's fine. I'm okay with that. I also have no plans of healing. I think I will forever embrace this pain with me. Kalakip ng pain na iyon ang pagmamahal na meron ako kay Mommy. So I don't wanna let go of it.

I started eating my food in silence. Nakakalungkot rin pala kumain mag-isa. Gusto ko na rin bumalik sa dati kong buhay pero hindi ko pa rin mapigilan hindi isipin si Mommy. Sa tuwing naiisip ko siya, nalulungkot ako. Ang tagal ko siyang hinintay makasama. Tapos ganito pa ang nangyari. 

Bakit hindi na lang din ako kinuha para parehas na kaming magkasama sa taas? 

Napa-buntong-hininga na lang ako. Hindi ko na talaga alam ano pang saysay ng buhay ko. I may find it out one of these days. To find something worth living for.

Bumaba na ko pagkatapos kumain. True to what Kuya Charlie said, nasa baba nga si Justin habang nakaupo sa mahabang sofa at nakatitig na agad sa'kin galing sa hagdan. 

Tumayo siya ng makita ako at napangiti. 

"Kumain ka na?" unang bati ko sa kaniya.

"Yep. Before I leave the house." 

Nilibot ko ang tingin sa buong sala. "Si Kuya?" 

"Pumunta sa Cambridge saglit. May aasikasuhin daw siya." 

Oo nga pala at simula ngayong Lunes, doon na rin mag-aaral si Kuya. Lunes. Malapit na pala iyon at pasukan na naman. Handa na ba ko? 

"Gusto mo bang lumabas ngayon?" tanong niya na ikinagitla ko. Napangiti tuloy siya lalo. "Sabi ko kasi kay Kuya na hindi ka dapat nagkukulong lang sa kwarto. Kailangan mo rin ng fresh air sa labas. Kaya nagpaalam na ko sa kaniya na ilalabas kita." 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now