Chapter 8: History

165 7 0
                                    

Chapter 8

History

Kylie's.

Kinabukasan ay tamad na tamad akong bumangon sa kama ko. Gumising lang ako para patayin ang alarm sa cellphone ko at bumalik ulit sa pagkakatulog.

Ganito ba ang pakiramdam na wala ng ni-lo-look forward sa klase?

Hindi na ako President, hindi ko na kailangan pumasok ng maaga para bumisita sa SSG office at gumawa ng paper works at mag-conduct ng meeting sa mga officers.

Hindi na rin ako class president para kailangan mauna sa klase at flag ceremony.

I am just an ordinary student, hindi ako nasanay sa ganitong role. Gusto ko ang nag-le-lead pero ngayon, isa na lang din ako sa follower.

Bumangon na ako at nagsimulang kumilos. I may not be the president but I will graduate from senior high school with highest honors. Iyon ang bago kong goal.

Nang pumasok ako ng room, lahat sila ay nagiingay na, kaniya-kaniyang daldalan sa mga sariling pwesto. Samantalang si Ace naman ay tahimik lang na nakaupo sa pwesto niya habang nakasuot ng headphones at nagbabasa ng libro.

Nanatili akong nakamasid at hindi inalis ang tingin sa kaniya at mukhang napansin niya ‘yon kaya nag-angat siya ng tingin sa ‘kin upang ngitian ako.

That’s kind of weird from him but maybe that’s his way of being friendly. Nginitian ko rin siya pabalik at pumunta na sa pwesto ko.

“Ky!” bulalas agad ni Mitchie nang makaupo ako.

“Hi,” bati ko.

“Ayos ka lang?” she asked worriedly.

Umupo na ko sa upuan ko katabi ni Mitchie at hinawakan ang noo pati ang leeg ko. “Oo naman ayos lang ako. Wala naman akong lagnat kaya ayos lang ako.”

She rolled her eyes. “I’m talking about what happened yesterday. Are you really okay with the result?”

Maliit akong ngumiti. “Of course. Masaya kaya maging ordinary student. Mas makakapag-focus ako sa studies ko dahil wala akong inaasikasong extra-curricular actvities.”

Naglabas ako ng binder at nilipat ito sa pahina ng sunod naming klase.

“That’s good to hear, Ky!”

“Tanggap ko naman na wala na ako sa pwesto pero hindi ko pa rin tanggap na natalo ako ni Ace,” bawi ko. “But, oh well, he is deserving for the position.”

Napailing-iling siya. “You can’t accept the idea of being defeated. That’s the truth, Kylie.”

I sighed loudly because she got a point. Hindi na lang ako sumagot dahil may katotohanan naman.

Napatitig muli ako kay Ace. Honestly, when I was a kid, I used to throw tantrums when I don’t win in competitions. I argue with my opponent, making me look really childish.

But, with Ace?

I honestly accepted that he won. Pero tama si Mitchie. Ang hindi ko matanggap ay ang pagkatalo ko. But, being defeated by a worthy and competent opponent like Ace is worth it. Kaya walang pait ngayon sa puso ko.

That makes me want to know him even more. And, maybe, if possible, befriend him. Wala naman siyang kaibigan dito at transferee pa naman.

Dumaan ang recess at tumambay kami dito ni Mitchie sa garden pagkatapos bumili ng pagkain sa canteen. Marami na kasing tao doon, ayaw na namin maki-siksik.

Nakaupo kaming parehas sa stone bench habang kumakain ng fries.

“Uy, ano nga palang nangyari kahapon?” pagbubukas ko ng topic.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now