Chapter 35: Leaving

68 4 0
                                    

Chapter 35:

Leaving

Kylie's.

Two months had passed. October na ngayon and currently the last day for our first semester. Everything went smoothly for the past months. Hindi pa rin kami okay ni Mitchie but we treat each other as classmates na lang. We are still not in speaking terms. Tuluyan niya na talagang pinutol ang koneksyon sa'kin dahil hindi na siya bumalik sa upuan niya sa tabi ko. Nilayo niya na din ang sarili niya sa'min ni Ace. 

And, yes. We just let her. Dahil patuloy lang siguro kaming masasaktan kung ipipilit pa naming ibalik ang pagsasamahang sira na.

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya dahil kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya dito sa hallway. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at sumunod si Janelle sa likod ko. Sumama siya sa'kin ngayon para ipasa ang last output sa research namin. 

Ayun lang din ang dahilan ng paguusap namin ni Mitchie minsan — para bigyan ko siya ng task sa research at nakakasama siya sa'min mag-brainstorm. We don't talk anymore unless if it's academic related.

Aaminin ko na nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa'ming dalawa, mayroong parte sa'kin na gusto kong gawan ng paraan ito pero tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya, mas ginusto kong ilayo na din ang sarili ko sa kaniya because I can only brought her nothing but pain.

Si Janelle naman ay kinakausap ko lang din if it's academic related. For these past two months, I really busied myself in my academics since we are graduating students and I am still not losing sight of my goals. I want to graduate with high honors and probably be the valedictorian of our batch.

We knocked in our research instructor's office. Pinayagan niya kaming pumasok kaya ipinasa na namin ang ring bounded na output ng research namin. After giving our thanks, we exited in the office at doon ko na rin iniwan si Janelle.

Nakasalubong ko si Ace sa hallway and we both smiled to each other. He also got busy with academics and kahit friends na kami, nandoon pa din ang rivalry sa'ming dalawa and may the best valedictorian wins. But it's a healthy competition, unlike the last time. This is only our way to get motivated in our studies. Somehow, the thought of defeating him really motivates me and it's weird.

We stopped in our tracks when we faced each other. Nagpamulsa siya at napahalukipkip naman ako. 

Besides sa academics, he also got busy in SSG. Marami din kasi naging projects and activities ang SSG kaya nahati ang oras at atensiyon niya sa pag-aaral at pagiging president sa SSG.

"Hey." paunang bati ko. 

He smiled at me at biglang napalitan ng pag-nguso. "Baka hindi ka na umuwi, ah?" 

I chuckled when I remembered telling him that I'll visit Australia this semestral break. "Uuwi ako. Hindi pwedeng hindi ako pumasok ng second semester dahil baka pati ang pwesto ko sa valedictorian ay maagaw mo na."

We both laughed. 

"Pero, seriously, mamimiss kita. Ingat ka doon, ha? Let's keep in touch."

"Thank you, Ace. Mamimiss ko rin ang panglilibre mo," I chuckled.

The past months, kapag maaga ang uwian namin, palagi akong niyayaya ni Ace sa 7/11 at ililibre niya ako ng ice-cream. Dahil may hiya ako, nagooffer din ako ng libre sa kaniya until it became our routine to treat each other. This is our way to take a break from academics.

"I'll miss it too." He smiled after chuckling. "Baka may ibang manlibre sa 'yo doon?"

Inilingan ko iyon. "Hindi ako magpapalibre sa iba." Nang narealize ko kung ano ang bigla kong sinabi, dinugtungan ko iyon. "S-siyempre! Gusto ko ng inuubos pera mo kaya dapat ikaw lang ang nanlilibre sa akin!"

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now