Chapter 2: Corridor

335 9 5
                                    

Chapter 2

Corridor

Kylie's.

Nang pabalikin na ulit kami ni Ma'am sa mga room namin, pinauna ko munang lumabas ang lahat bago ako lumapit sa SSG adviser namin.

"Ma'am, can I ask something?" I smiled genuinely.

"Sure. What is it?" Pinagsalikop niya ang mga kamay sa ibabaw ng desk at tiningala ako ng tingin.

I cleared my throat. "Gusto ko lang po sanang tanungin kung... paano po nasali si Ace sa Supreme Student Governement? I thought he's a transferee, Ma'am?"

I'm just curious. Ako kasi ang President pero hindi ko man lang alam kung paano siya nasali dito.

"Oh. Yes. That. We didn't inform you about it pero buti na lang at itinanong mo. It doesn't matter anymore now. He's not part of SSG kasi nga ay magbabago na, 'di ba?"

I never found the answer I was looking for. Kaya nagpumilit pa 'ko sa pagtatanong dahil gusto ko talagang malaman ang sagot.

"I mean, paano po siya nasali sa SSG before?" I rephrased what I asked.

I really need an answer!

For all I know, ay isa lang siyang transferee at biglang kasali na pala siya sa SSG? The heck with that!

"You know about Annika, right?"

I nodded. She's the Vice President of Supreme Student Government, pero noong bakasyon ay lumipat na siya ng school.

"Nung nag transfer si Annika sa ibang school ay si Ace ang pinalit."

Napa nga-nga ako. Nang ganun kadali? I mean, bago ako maging President ng SSG, nangampanya muna ako, tapos siya lumipat lang ng school, naging part na agad ng SSG?

That's unfair?!

"He became part of tbe organization that quick, Ma'am?"

Tumango siya. "Hindi na namin gusto pang patagalin ang pagpili ng Vice President. Besides, nung unang araw ng klase ay hindi ka namin nakita. Kailangan ng may mag aasikaso sa new students kaya si Ace ang naging Vice President dahil siya ang gumawa ng dapat na trabaho mo nung hindi ka namin nakita."

Napa nga-nga ulit ako. I shouldn't have stayed in the garden, kung alam kong ganito lang pala ang mangyayari!

Ugh, I became irresponsible pala kung gano'n! Now, I realized my mistake.

"Eh, Ma'am! Pwede naman po 'yung secretary and other officers na lang po natin ang pinagalaw niyo, 'di ba?" depensa ko pa, pinipilit pa rin ang gusto kong iparating na unfair talaga ang nangyari.

Hindi ko talaga matanggap! Hindi ko matanggap na ganon niya lang ako kadaling natatalo. Na kahit wala siyang ginagawang effort ay nananalo pa rin siya.

Why?! I'm so much better than him!

Napahilot si Ma'am sa sentido niya. "Ang titigas niyo kasing mga officers. Hindi ko kayo mahanap lahat kanina! Buti na nga lang at nandoon si Ace at sinabi niya na siya na lang daw ang gagawa ng dapat na trabaho mo."

Napatiklop ako doon. Maybe I really didn't do my whole responsibility as a leader. Tama nga naman si Ma'am. The new students earlier need accompaniment and I wasn't there to accompany them! Kaya naman pala gano'n na lang kadaling nailagay si Ace sa pwesto ng VP kahit first day pa lang.

Well, kung ganun kadali siyang isinali sa SSG, ganun kadali lang din naman siya tinanggal dahil new set of officers na naman pala ulit first day pa lang.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now