Chapter 28: Emotions

87 4 1
                                    

Chapter 28: 

Emotions

Kylie's.

Nang matapos ang klase, nakita kong nilapitan ni Ace si Mitchie at sabay silang lumabas ng room habang nag-uusap. Nagtago ako sa isang pader habang pinagmamasdan sila.

Ngayon ko lang na-realize ang naging trato ko kay Mitchie kanina. Hindi ko nagustuhan iyon kaya gusto ko siyang lapitan at sundan para kausapin pero hindi ko magalaw ang mga paa ko.

Gusto kong humingi ng sorry for what I acted, pero at the same time ay nahihiya ako. My mind is on chaos right now, so does my heart. Nadadamay rin tuloy ang mga tao sa paligid ko dahil sa gulong nangyayari sa kaloob-looban ko na hindi ko mairesolba.

Pumunta ako sa garden para magpahangin, buti na lang hindi naisipan nila Ace at Mitchie na dito kumain. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang harapin ngayon.

Habang nagmumuni-muni ng matagal sa hardin at hinahayaan lang ang mga huni ng ibon pati na rin ang hangin na dala ng mga puno na pakalmahin ako, doon ko napag-isipan na tutuldukan ko na itong nararamdaman ko.

I sighed heavily and stood up, feeling better now. Kailangan kong kausapin si Mama para malinawan ako sa mga nangyayari. She seems to know everything and she seems to have the answers to the questions in my mind. Siya ang dapat kong lapitan dahil sa umpisa pa lang, siya na ang hinahanap ko.

I headed to her office, but stopped midway when I saw Mitchie opened the door at my mom's office. Ano’ng gagawin niya doon?

Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko habang pinapanood siyang pumasok sa loob ng opisina. Buti na lang at hindi naisarado ng maayos ni Mama ang pinto kaya naitulak ko pa iyon ng kaunti para marinig ko ang pinag-uusapan nila sa loob.

Naramdaman kong napapangunahan na naman ako ng emosyon dahil sa mabilis na kabog ng dibdib ko. Hindi ko rin napansin na unti-unti ko ng naikikuyom ang mga kamao ko, doon inilalabas ang galit.

"I am the Vice President for Academic Affairs." I heard my mom stated.

Shocked to what I heard, I also felt jealous, pissed, and annoyed. I don’t know about that thing, bakit si Mitchie pa ang unang naka-alam?

Why is she saying this to Mitchie? Bakit hindi sa'kin na anak niya at karapatang malaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya? I've been searching for her all my life. Don't I deserve the truth? Bakit ba palagi na lang akong pinagtataguan? 

"We're… sisters." 

Another revelation she revealed when Mitchie asked if what's her relationship with Mrs. Santiago. Which again, I have no idea about. I always left behind. Hindi ko na alam kung kanino ibabaling ang galit ko.

Kay Mama na ang daming inililihim sa ‘kin? O kay Mitchie na pinapangunahan ako sa pag-alam ng katotohanan?

Gustong-gusto ko na itong buksan, pumasok at malaman nila na nakikinig ako. Hindi ko na ito kaya. Ang bigat na ng puso ko at walang nakaka-alam niyon dahil hindi rin nila alam ang epekto sa ‘kin ng mga ginagawa nila. Nobody knows.

"Come on, Ma'am. I want to help her." I heard Mitchie said.

Mas lalo nag-usbong ang emosyon ko. She’s not helping me with what she’s doing. Kung gusto niya talaga akong tulungan, isinama niya sana ako dito para sabay rin naming alamin ang katotohanan.

She told me that we will figure this out together but, now what? She is only figuring it alone, leaving me behind! I don’t think that’s a friend’s obligation!

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz