Chapter 5: Brue

173 7 3
                                    

Chapter 5

Brue

Kylie's.

After ng recitation na 'yon ay nag-bell na para sa recess namin. Sinuot ko agad ang bag ko at lumabas ng classroom. Nakasunod lang si Mitchie sa'kin. Napansin niya sigurong tahimik ako kaya hindi din siya nagsasalita.

Hindi ko nga din alam kung bakit biglang ang tahimik ko. Hay. Kahit talaga ko nawiwirdohan sa sarili ko. May mga oras na ang saya ko, tapos malungkot, tapos biglang tahimik, hindi mo malalaman kung ano ang bigla magiging emosyon.

Nang makarating kaming canteen nilapag ko agad sa lamesa ang bag kong walang masiyadong laman maliban sa notebook at libro na madalas talaga naming ginagamit.

Nag-presinta si Mitchie na siya ang bumili ng pagkain namin kaya nag-abot na lang ako ng pera at sinabi sa kaniya ang order ko.

Habang wala pa si Mitchie ay nagmasid masid muna ko sa paligid dahil wala naman akong magawa sa pwesto ko.

Umupo si Ace sa katapat naming mesa at mag isa lang siya kumain doon. He really likes to be alone dahil wala talaga siyang kaibigan dito... pero maraming taga-suporta.

Bakit kasi lumipat pa siya ng school? Ang ganda ko naman masiyado kung ako talaga ang dahilan.

Kumagat siya sa burger niya and I know it’s rude to stare but he’s not aware, anyway. Hindi naman niya siguro napapansin na nakatingin ako dahil busy siya sa pagkain.

Ang puti pala niya, gwapo rin, hindi ko naman maikakaila iyon. Ang ganda ng ayos ng buhok niya, bagay sa kanya. Chinito ang mga mata niya, masarap titigan. His soft feature can be close to perfection.

Sa gitna ng pagmumuni muni ko or more like pagtitig sa kaniya, doon biglang umupo si Mitchie sa harap ko. Napabalikwas tuloy ako sa pagkakaupo. Bigla kasing nag iba ang view. Natakpan, eh.

Napakunot ang noo ni Mitchie nang makita ang naging reaksyon ko.

"Sinong tinitingnan mo?" tanong niya.

Bago pa man siya makalingon sa likod at makitang si Ace ang tinitingnan ko, hinampas ko ang lamesa. At tama nga ang nasa isip kong magiging reaksyon niya. Nagulat siya at nilingon ako ng may nanlalaking mata.

"Sinong kaaway mo?"

"Kumain na tayo!" iniba ko ang topic.

Hindi niya dapat makita na si Ace ang nasa likod dahil malalaman niya na siya ang tinitingnan ko. Ayokong asarin niya ko do'n. Baka kung ano 'yung maisip ng mokong na 'yon.

"Busog ako kaya hindi na ako bumili ng akin. ‘Yung sa ‘yo lang ang binili ko dahil mukhang kailangan mo ng pagkain at lugmok na lugmok na naman ang itsura mo."

Pumangalumbaba siya sa harap ko. Kumakain pa naman ako at ganyan ang tingin niya sa'kin. Mapanuri na ewan. Naghahanap ng katanungan ang mga mata niya.

"Sa pagkakaalala ko, wala namang nangyaring kababalaghan sa recitation kanina. So... what’s bothering you?" tanong niya ulit.

"Wala. Umandar na naman ang pagbabago ng mood ko."

"Bakit nga ba hindi ko naisip na moody ka nga pala?"

"'Wag mo ng isipin 'yung itsura ko kanina. Wala lang talaga ko sa mood nun," dahilan ko para tigilan niya na ako.

I appreciate her concern, though.

Kahit din naman kasi ako, hindi ko alam kung bakit ganun ang ekspresyon ko kanina.

"Baka gutom ka lang talaga kaya kumain ka na nga lang diyan."

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now