Chapter 26: Pretend

98 5 0
                                    

Chapter 26:

Campfire


Kylie's.

Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang mga nagdaang araw mula ng malaman ko ang katotohanan galing kay Ace.

My mom hired him. To get close to me. To be my rival. To be friends with me. All of those... were all because of money.

Kaya ba wala siya masiyadong kaibigan sa school at sa'min siya palaging sumasama dahil umpisa pa lang ay may hangarin na siya at dahil iyon sa pera? Tungkol na lang ba talaga sa pera ang lahat sa 'kin?

Gusto kong umiyak at kaawaan ang sarili ko pero ang natitira na lamang sa 'kin ngayon ay galit at pagkamuhi. Noong Biyernes pa nangyari iyon at Linggo na ngayon pero hindi pa rin mawala sa isip ko.

How do I get it out of my system?

Kung kailan handa ko ng pagkatiwalaan si Ace saka ko malalaman na hindi siya totoo sa 'kin at lahat ng ginagawa niya ay dahil may kapalit na salapi.

I felt betrayed. I treated him as a real friend, ngunit hindi siya naging ganoon sa akin. At nasasaktan ako dahil ganoon ang naging results ng naging pagkakaibigan namin.

Will I still be willing to forgive him? Will I still be willing to accept him?

Will he say sorry, though? Will he still wants to be friends with me, though? Ito siguro ang mga tanong na dapat munang sumagi sa utak ko.

Kung hindi sigiro sa kaniya mangggagaling ang mga salitang iyon, hindi pa ako maniniwala, pero hindi. Sa kaniya mismo nanggaling. It hurts the most, because he confirmed it himself. He's the last person in my list that I didn't think who'd betray me, yet here he is...

I covered myself in my comforter and hugged my knees. Buong araw na lang akong nakakulong sa kwarto at hinahatiran na lamang ako ni manang ng pagkain.

Hindi pa rin kami magkaayos ni Papa and I don't think if we will ever be. As for my mom, hindi ko alam kung ano ang plano niya kung kukunin niya pa ba ko o mas matatagalan pa siya.

Ayoko na dito. Ayoko na sa mundong ginagalawan ko.

Huminga ako ng malalim and stopped my thoughts from overflowing too much. I need to fix myself. I need to rebuild my heart again because no one else would. Hindi ko hahayaan na wasakin pa nila ako lalo.

Nawala ang atensiyon ko sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Matagal ko ng hindi ito chinecheck. Maraming chats sa'kin si Ace pero ni isa doon ay hindi ko nireplyan hanggang sa blinock ko na siya sa messenger at facebook. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin o kausapin man lang. Pero this time, ngayon na lang ulit tumunog ang cellphone ko dahil nag-chat si Mitchie.

I picked up my phone and checked her message.

Mitchie sent a photo.

I saw her with Kuya Charlie. Biglang lumiwanag ang mukha ko dahil close kami ni Mitchie kay Kuya Charlie at namiss ko siya kabonding. We used to hang out with him noong nandito pa sila sa Pilipinas kaya lang, years ago, they chose to live in the States. Nakauwi na kaya talaga siya o nagbakasyon lang?

From: Mitchie

Sama ka sa'min, Kylie! We will be having a campfire! 😋🔥

Sa simpleng message pa lang na iyon ay napangiti na 'ko. That's right. I need a distraction. Hindi naman pwedeng magmukmok na lang ako palagi sa kwarto. I need to find other ways to deal with my problems and thoughts. I replied "okay" and checked the time.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now