Chapter 16: Library

144 7 0
                                    

Chapter 16:

Library

Kylie’s.

“At ito ngayon ang mga dapat niyong matutunan sa Writing Club na ito. Sooner or later, you’ll be one of our journalists in Cambridge Academy. That's why this Writing Club was created because we believe there are still many students out there who have potentials in writing. And once you became our journalists, ilalaban namin kayo sa iba’t-ibang school. But first and foremost, you need to choose your category.”

Nakikinig lamang ako sa adviser ng Writing Club habang dinidiscuss niya ang iba't-ibang categories.  I was taking down notes while thinking what category I’ll be choosing.

Editorial.

News Writing.

Photo Journalism.

Sports.

Feature Writing.

Marami pang category ang nakasulat dito pero isa lang ang pumukaw sa atensiyon ko – the feature writing.

Well, I think I already selected my category.

“After choosing your category, you need to pass a sample sheet ng gawa n'yo and we’ll review it if you really have a potential to be one of our journalists.”

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Ma’am at mas lalo pa naging interesado sa club na ‘to. This is the first time I really joined a club. Dati, isa lamang akong taga-organisado ng mga clubs at events sa school na ‘to pero ngayon, isa na lamang akong manlalahok.

I sighed and turned my head at the person beside me. Napalaki ang mata ko nang makitang si Ace pala ang katabi ko. I didn’t notice his presence.

Napabaling ulit ako sa harap nang magsalita si Ma’am.

“Since I have discussed everything about the categories, I’ll be expecting a finished work next meeting. You may now take your leave, my future journalists.” She smiled at us and we did the same.

Nagpasalamat kami kay Ma’am bago umalis sa room niya. Naglalakad na 'ko palabas nang sikuhin ako ni Ace.

“Wala na tayong klase, diba?”

Napatingin naman ako sa relo ko at 3PM na pala. Supposedly, dapat kanina pa ang uwian namin pero nagkaroon ng meeting sa club namin kaya ngayon pa lang kami makakauwi.

“Yup,” I answered his question.

Hinawakan niya ang siko ko at hinila ako papunta sa kung saan. Pero parang daan ng library ang tinatahak namin. Ano namang gagawin namin sa library ng ganitong oras?

Baka katuad ko ay tinatamad pa siyang umuwi kaya naisip niyang tumambay din muna. Teka nga, bakit ba palagi na lang kaming magkasama? May training din kasi si Mitchie sa badminton ngayon at malamang ihahatid na rin siya ni Justin pauwi. Kaya ayun at palagi na rin akong naiiwan kay Ace katulad ng moment na ito.

Not that I'm complaining but I'm really not… and wala rin akong sinabing gusto kong nakakasama siya.

Nang tumigil kami sa harap ng library, binitawan na niya ang siko ko at hinarap ako.

“Help me get a library card.”

Napatulala ako sa harap niya at later on natawa na rin sa kaniya. Ang cute kasi ng expression niya e! And the fact na talagang dinala niya 'ko dito para lang tulungan siyang kumuha ng library card. Ilang araw kaya siyang na-bother sa bagay na ‘to?

Nainggit ata siya sa library card ko at gusto niya din. Well, malaking advantage din naman kapag may library card. You can borrow any books you want pero siyempre may expiration kung kalian mo dapat isauli.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now