Chapter 24: Ice-Cream

112 6 2
                                    

Chapter 24:

Ice-Cream



Kylie’s.

Hindi ko alam kung paano ko pa rin nagawang pumasok sa klase kinabukasan. Hindi rin naman siguro pwedeng doon lang ako sa bahay pagkatapos ng naging sagutan namin ni Papa kagabi. Ayan, tuloy at hindi talaga kami nagpansinan buong araw hanggang ngayon. Sana once and for all, matuto siyang intindihin ako dahil for all my life, I understood his side. I did my part as his daughter. Maybe it’s time for him to do his duty as my father. Pero kung wala talaga iyon sa bokabularyo niya, wala na kong magagawa.

Wala ang isip ko sa klase kaya nagdismiss na lamang kami ay wala man lang akong naintindihan sa naging lesson. 

“Psst,” tawag ni Mitchie sa’kin. “Ayaw sana kitang guluhin pero… mukhang alam ko na kung bakit ka ganiyan. Nabalitaan ko kasi na nakabalik na daw si Ma’am Tine kahapon? Maglelesson nga daw siya sa’tin ngayong araw. Nakapagusap ba kayo, Kylie? Kaya ka ba ganiyan ngayong araw?”

Nakuha na niya ang atensiyon ko kaya bumuntong-hininga muna ako bago siya sinagot. “Yes… Mitchie. I also confirmed that… she really is my mom.”

She gasped. “Omg, Kylie…” may gusto pa sana siyang sabihin pero hindi na lamang tinuloy at niyakap na lang ako. “Nandito lang ako.”

I hugged her back and later on, I told her the story about what really happened yesterday. Nakikinig lamang siya sa’kin at nag-re-react pero wala siyang sinabi at hindi siya sumingit sa kwento. Hinayaan niya lang akong ilabas ang tunay kong nararamdaman.

“I’m sorry to hear that, Kylie. Pero let’s just look at the brighter side. Nakita mo na finally ang mama mo.” Masaya niyang banggit.

I also smiled and somehow, nawala na ang pagka-gloomy ko. Sharing my problems with her really helps me to get better. Cus I know she really listens.

Gusto ko rin naman talaga ang tumingin lang sa magandang bagay katulad ng nahanap ko na ang mama ko pagkatapos ng ilang taon. Pero hindi ko magawang matuwa na pinagpustahan lang nila akong dalawa...

Natigil na ang pag-uusap naming nang pumasok na si Ma’am Tine sa room. Natigilan ako at pinagmasdan lamang siya na ilibot ang paningin sa classroom. Nang tumigil ang tingin niya sa’kin ay ngumiti siya at umupo na sa chair niya. Hindi ako ngumiti pabalik.

Hindi niya sinabi sa 'kin ang tungkol sa deal kahapon. Ano pa ba ang tinatago nila sakin?

“I’m sorry for not being present these following days. I got busy and something came up in my life that I need to work on. I hope you all understand, class.”

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na puro “okay lang po, ma’am,” ang binanggit. 

“However, what did I miss these following days? And what is our recent lesson na naiwan ko sa inyo?”

My classmates became attentive kahit maraming ayaw ng Business Finance. Si Ma'am Nica ang dati naming teacher dito pero dahil umalis na siya, si Ma'am Tine ang pumalit. Lumipat na kasi sa public school si Ma'am Nica.

I was just observing the whole class while she is catching up for all of her absence. Pero sa totoo lang, sa kaniya lamang nakatuon ang buong atensiyon ko. I am watching her every moves. The way she talks. The way she behaves. The way she strikes a conversation. 

“Uy, Kylie. Titig na titig?” pagpansin ni Mitchie sa’kin at tiningnan na din si Ma’am Tine. I still don’t know what to call her.

“You know what? Gusto ko rin makilala ang mama mo. Pakiramdam ko iba ang side na pinapakita niya bilang teacher at sa pagiging nanay. I bet she’s kind, Kylie.” 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now