Chapter 11: Mom

176 7 2
                                    

Chapter 11

Mom


Kylie's.

Hindi ko ba alam kung hindi na ba busy ang maging SSG president ngayon at nakabuntot pa rin si Ace sa 'kin.

Naghiwalay lang kami noong lunch at nagkasama ulit dahil nasa gym pa rin si Mitchie at mukhang alas tres pa ang tapos ng try-out nila.

Ganoon pala katagal iyon? Sana nakapaglunch na rin siya.

Ito namang si Ace ay sumama sa 'kin nang sabihin kong pupuntahan ko si Mitchie sa gym.

"Hindi ka ba busy sa SSG office?" hindi ko napigilan itanong.

"Wala namang pagkakabusyhan doon."

I scoffed as I remembered those days that I always stay in SSG office, being bombarded by tasks. Favorite ba talaga ng mundo si Ace?

Hinayaan ko na lang siya sumama hanggang makarating kami sa gym na naabutan naming nakasarado.

Tapos na ba ang try-out nila? Hindi naman nagchat si Mitchie sa 'kin.

Hindi na ako nagtanong kay Ace, kusa siyang lumapit sa guard na nagbabantay ng gate. "Sir, bakit po sarado?"

"Inutos ng coach. Isarado raw muna para walang papasok na ibang estudyante maliban sa mga players na nasa loob pa. Lalabas na rin sila maya-maya, maghintay na lang muna kayo sa bench."

Itinuro ni Kuya Guard ang stone bench sa ilalim ng malaking puno na nadaanan namin kanina papunta dito.

Wala kaming nagawa kung hindi ang umupo doon at maghintay.

"You should just go home, Ace. I'm sure you're tired from today's event," tulak ko sa kaniya.

Nakakahiya kasi na naghihintay siya kasama ako kung hindi niya naman kailangan gawin 'yon.

"You're tired too. Then, should we go home?"

I looked at him, shocked. "Maghihintay pa ako kay Mitchie. Kaya nga dapat umuwi ka na kasi hindi mo naman kailangan maghintay."

Nagmatigas siya. "E 'di maghihintay rin ako."

Ang kulit pala ng taong ito. Bahala nga siya diyan at nakakapagod makipagtalo. Iyong kagustuhan kong bumalik sa room at matulog, bigla ko na naman naramdaman.

Ang lakas kasi ng hangin dito, nakaka-antok. Pero hindi na ako pwede umakyat sa room dahil sarado na at nag-uwian na rin ang ibang estudyante.

Napahikab ako sa labis na antok at ginawang unan ang nakapatong na bag sa lap.

Mitchie's.

Hindi ko inasahan na tatagal pala ng hanggang alas sais ang try-out namin. Ginawa na rin kasi ang second screening hanggang sa final screening pero hindi pa in-announce kung sino ang mapapabilang sa varsities na maaaring ilaban sa mga susunod na buwan.

Nakakapagod. Buti na lang binilhan ako ng tubig ni Justin kaya nabawasan ang pagka-uhaw ko buong oras.

Ngayon, nauuhaw na naman ako.

Justin insisted to drive me home but I refused.

Nang makalabas ako, hinanap ko agad si Kylie pero ang nakita ko lang ay si Ace na naka-upo sa stone bench.

Tinakbo ko ang direksyon namin. "Ace! What are you doing here?"

Sumenyas si Ace na tumahimik ako at may isinenyas sa tabi niya. I gape and covered my mouth in shock.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن