Chapter 13: Double Celebration

137 7 0
                                    

Chapter 13

Double Celebration

Kylie's.

Nang makarating kami sa bahay nila Ace, nakaabang na agad ang mommy niya sa gate ng bahay nila.

So his mommy is really expecting us?

Hindi ko maiwasan hilingin na sana ganiyan din ang mama ko pero ang magpakita lang ulit siya sa 'kin ay sapat na. I know that God has a time for the both of us and I should always wait for it.

Lumapit si Ace sa mommy niya at ipinakilala kami.

"Mommy, mga kaibigan ko po," he kissed his mom on the cheeks.

Her mom greeted us with a wide smile plastered on her face. She has a fair skin kagaya ni Ace and parang bata pa siya kung tingnan. A bright aura is radiating around her, you can easily notice na mabait siyang tao.

Hindi rin siya gaanong katangkaran and she is also a bit thin. Her hair is in a ponytail at naka-headband gamit ang panyo.

"Hello! Tara, pasok kayo! Welcome na welcome kayo sa bahay namin!" ma-engganyong bati sa'min nito.

Kahit nahihiya, sumunod na lang kami ni Mitchie dahil ang makihanda naman talaga kay Ace ang ipinunta namin dito

Nang makapasok na kami sa loob, doon pa lang kami bumati ni Mitchie, nilabanan na ang mga hiya namin tutal nasa loob na rin kami ng pamamahay nila.

"Good evening po," pormal kong banggit.

"Good evening, Tita!" Mitchie followed.

Nginitian niya kami ng malapad at napansin ang dala naming cake.

"May dala pala kayong cake, akin na 'yan at isasama natin sa handa. Salamat dito mga hija, ah? Sinurpresa n'yo siguro ang anak ko," she giggled.

"Tama ka diyan, Tita," I answered.

Kinuha niya ang box ng cake kay Mitchie at inilagay ito sa lamesa. Maraming pagkain ang nakahanda doon, meron ang lumpia, chicken curry, fried chicken at spaghetti.

Agad akong natakam dahil kaming dalawa lang ni Mitchie ang bisita kaya walang iba ang uubos nito kung hindi kami lang din.

"Thank you sa inyong dalawa, ah! Kayo pa lang ang nakilala kong mga kaibigan ni Ace sa school kaya okay lang kung bumisita ulit kayo sa bahay at palagi kayong welcome, okay?"

Tumango-tango kami ni Mitchie, nakakapalagayan-loob na ang mama niya at nagiging kumportable na rin ako.

"Salamat din po, Tita! Hindi naman po mahirap maging kaibigan si Ace dahil mabait po siya lalo na sa pagiging class president namin at ng SSG," pagmamalaki ni Mitchie.

Dahil nasa harap kami ng mama niya, sinang-ayunan ko iyon.

Tuwang-tuwa ang mama niya nang marinig iyon, mukhang hindi nito alam ang pagiging SSG president ni Ace.

"Talaga?" hinampas nito ng kaunti si Ace sa braso. "Hindi ka nagsasabi na ikaw pala ang SSG president sa batch nʼyo. Dapat pala mag-double celebration tayo ngayon."

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now