Chapter 54: Chicken Fillet

56 3 0
                                    

Chapter 54:

Chicken Fillet

Kylie's.

Hinatid kami ni Mommy sa condo namin ni Mitchie after ng party. Nag-photo booth din pala kami ni Mommy kanina at ang cute lang kaya ikekeep ko talaga ang picture na 'to. Two shots ang tinake namin at na kay Mommy ang isang picture. Ngayon naman nandito na kami sa condo ni Mitchie. Parehas kaming pagod ngayong gabi at 11PM na. Hindi na pumasok si Mommy sa condo dahil nang makababa kami sa parking lot, sinabihan niya lang kami na mag-ingat at pumunta na rin siya sa condo niya. 

Kaya ngayon, humilata agad ako sa couch at tinanggal ang heels ko. Ang sakit pala sa paa nito. Hinubad ko na din ang coat ni Ace na pinahiram niya sa'kin kanina habang sumasayaw kami. Gabi na raw kasi at mahamog na tapos maikli pa ang suot kong dress, hindi rin katulad ni Mitchie na long sleeves ang dress niya, ang akin kasi ay off shoulder naman at hindi ganun kahaba ang sleeves kaya medyo nilamig rin ako dahil open area pa sa garden. 

Seryoso nga din siguro talaga si Ace nang sabihin niya sa'king… liligawan niya ko. Agh, ayoko isipin dahil baka hindi ako makatulog. Napaupo na ko sa couch at napasabunot na lang ako sa buhok ko habang iniisip 'yon. 

"Hmm, kaninong coat 'yan, Kylie? Kanina ko pa 'yan napansin, ah," tinaas-baba ni Mitchie ang kilay niya sa'kin parang nang-uusisa.

Umupo siya sa single couch sa tapat ko at inabutan ako ng baso ng iced tea. Nagtimpla pala siya kaya pala dumiretso agad siya sa kusina paguwi. 

Tinungga ko agad ang iced tea at sumigid agad sa lalamunan ko ang lamig nun dahil nilagyan din ni Mitchie ng ice cubes.

"Tell me about it, Kylie. Parang may nangyari ngayong gabi, ha? May progress na ba?" she chuckled, nang-aasar pa din.

May balak naman talaga ako ikwento kay Mitchie pero hindi ko pa lang magawa i-organize ng maayos ang thoughts ko. Magulo pa at hindi ko rin alam paano ikukwento sa kaniya. Hindi ba siya magugulat na agad-agad nililigawan na lang agad ako ni Ace? 

Pero dahil si Mitchie naman ito, I know she'll understand whatever it is that I'll gonna tell her. Kinuha ko ang pillow sa tabi ko at pinatong sa legs ko habang naka-de kwatro. Hinalo-halo ko ang ice cubes sa glass ko habang nakatitig lang doon. 

"Well," huminga ako ng malalim. Naka-focus lang ang attention ni Mitchie sa'kin. Kaya kwinento ko na lang sa kaniya ang buong nangyari simula sa simula ng party nang nakita ko sila Ace at Janelle na magkasama. Hanggang sa part na nilapitan niya ko at sinabi ang mga bagay na 'yon. 

"Let me court you, Kylie Gomez." 

Natulala lang ako sa harap niya at ilang beses napakurap. Nakita ko naman ang paggalaw ng adam's apple niya senyales na napapalunok siya sa kaba. Natigil lamang ang pagtitig namin sa isa't-isa nang magsalita na ang MC sa harap at ang sunod na nangyari ay tinawag si Mitchie. 

"Uhh, b-balik na ko sa pwesto ko," napalunok din ako at dahan-dahan tumayo at naglakad pabalik sa upuan ko. Hindi ko alam ang irerespond sa sinabi niya kaya umiwas na lang ako. I was shocked!

Nakinig na lang ako sa song ni Mitchie kahit occupied talaga ang isip ko. Bakit kailangan niyang sabihin ngayon 'yon?! Bakit ngayon?! Pwede namang bukas, makalawang bukas o… basta bakit ngayon?! 

Pero sinong binibiro ko? Kahit kailan niya pa sabihin 'yon, magiging ganito at ganito pa rin ang reaksyon ko. 

Now, I can't seem to focus on what's going on with my surroundings. Bigla na lang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko kaya nakipalakpak na lang din ako. Hanggang sa lumapit si Mitchie sa'kin ay ramdam kong balisa pa rin ako. 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now