Epilogue

155 6 0
                                    

Epilogue

Kylie's.

This last year of my senior high school has been a long journey. Sinong mag-aakala na ang lahat ng pangyayari sa buhay ko, nangyari ngayong taon? 

I never expected those turn of events. But it sure gave me lessons and experiences. Hindi ko makakalimutan ang mga nangyari sa buhay ko ngayong taon. I can say that this is what I deserve. Happiness and peace in my life. 

Nagsimula noong hindi na ko naging president sa klase at sa SSG. Natalo ako ni Ace sa campaign ng SSG. Nahanap ko ang Mama ko. Napag-alaman kong binayaran ni Mommy si Ace. Napag-alaman kong nagkaroon ng deal sa pagitan ni Mommy and Papa. Nag-away kami ni Mitchie. Pumunta ako sa Australia kasama si Mommy. Nakilala ko si Shanley and Cassey. Nalaman ko ang history ng Cambridge Academy. Nakilala ko si Kuya Kyle. Pumanaw si Tita Michaella. Nagkabati kami ni Mitchie. Napag-alaman kong nagkakilala na pala kami ni Ace noong bata pa lang.

I smiled infront of the mirror as I summarized everything that happened in my life this year. Nakakaloka isipin na ganoon pala karami ang nangyari sa'kin ngayong taon. Some happenings are happy and some are not. But those happenings gave me lessons and experiences. And those happenings made me closer to the people I cherish. 

Hindi ako magdadalawang-isip na ulitin ang ganung pangyayari sa buhay ko dahil naging maganda naman ang kinalabasan. May pagkakataon talaga sa buhay natin na makakaranas tayo ng pagkabigo pero lahat ng 'yon ay may purpose sa buhay natin. 

Knowing the purpose of your sufferings will make you stronger to survive the fight. Stay still. Your sufferings will lead to something. Don't give up. The best is yet to come. 

I stood up as my Mom finished putting make-ups on my face. I looked intently at the mirror and my smile slowly crept into my lips. I turned to my Mom to hug her.

"Thank you, Mom." madamdamin kong sabi at hinigpitan pa lalo ang yakap sa kaniya.

Hinimas naman niya ang likod ko at pinaharap na ko sa kaniya. "Be happy today." 

Tumango-tango ako. "Masaya ako, Mommy." 

Gusto ni Mommy na ayusan ako ngayong graduation day kaya pinaubaya ko sa kaniya ang mukha at buhok ko. Even the dress that I'll wear, siya din ang pumili. When second semester started, hindi na namin naging teacher si Mommy. Naging hectic na kasi ang schedule niya. Napag-alaman ko rin na part-time lang pala ang pagtuturo niya dito. Kapag available siya, nagtuturo siya sa College of Business Administration. At ngayong taon niya lamang hiniling kay Tita Minerva na ihandle ang klase namin kaya naging adviser namin siya sa first sem. 

And now, she feels proud dahil nakuha ko ang spot sa With Highest Honor. I got the average of 98 and Ace got 97. Sa batch namin, parang ako ang valedictorian and Ace is the salutatorian.

Nandito kami sa condo ni Mommy dahil dito niya ko inayusan. Magkikita-kita na lang kami nila Papa mamaya sa mismong venue ng graduation. 

May nag-buzz sa condo ni Mommy kaya nilapitan niya muna ang pinto at sinilip sa peep hole kung sinuman ang nasa labas. 

She opened the door and my eyes widened.

"Congratulations, little sis!" 

Tinakbo ko ang distansiya namin ni Kuya at niyakap siya bigla. He chuckled and hugged me as well. Ang isang kamay niya ay may dalang boquet of flowers. 

"Thank you, Kuya! Pumunta ka!" 

"Yes. I want to surprise you." 

Nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya ay inabot niya sa'kin ang bulaklak. Tinanggap ko naman ito at inamoy. 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now