Chapter 4: Recitation

228 8 4
                                    

Chapter 4

Recitation

Kylie's.

After a week, wala akong ganang gumising ng maaga kaya late akong nakarating sa assembly.

Bukas na ang botohan at bukas na rin malalaman kung sino ang mananalo pero, ironically, hindi na ako nakaramdam ng anong kaba. Siguro kasi ngayon tanggap ko na talaga na si Ace ang mananalo. Hindi naman sa nawawalan na ko ng pag-asa kundi dahil sa ngayon ko lang din narealize na deserve niyang manalo. Kahit pa ang sama sama ng ugali niya sa’kin, deserve pa rin niyang manalo.

Kahapon lang nang naghyhysterical pa ko dahil hindi ko tanggap kung sakaling matatalo ako. But I ponder my thoughts last night and realized that I should accept it. Besides, I also want to be an ordinary student this school year. Ayun nga lang, gagraduate ako ng walang leadership award. Napabuntong-hininga ako.

But let’s give others a chance. Ilang taon na din ako naging President ng Supreme Student Government. Siguro naman oras ko na anc magpahinga para sa tronong ‘yon.

Alam kong nakakapanghinayang isipin na dito lang lahat nauwi ang pagiging President ko sa SSG sa loob ng ilang taon. Pero ganun talaga eh, lahat naman natatapos.

Hindi na ko President ng klase. Hindi na din ako ang magiging President ng SSG. Isa na lang talaga kong ordinaryong estudyante dito sa Cambridge Academy tulad ng matagal ko ng gusto. Tapos na ang pamamahala ko sa mga estudyante dito sa loob ng ilang taon. Kailangan ko ng mamaalam sa pwesto ko. You will forever be missed.

Wtf? Anong kadramahan 'yon, Kylie?

But, seriously, though. Being a president of SSG will never be a joke. Siyempre hawak namin ang halos lahat ng events sa school at kami naghahandle lahat ng 'yon. Ako pa magiisip ng mga pwedeng events at iba pa. Though, it's really stressful, it's enjoyable and all your hardworks will be paid off by seeing all the smiles of the students by enjoying the events your organization prepared.

Naupo na ko sa upuan ko sa likod at agad na nangalumbaba. Wala pa ang teacher namin at buti naman at wala pa dahil lutang ulit ako ngayon. Baka hindi lang ako makapakinig ng lessons niya.

“Oh! Ano na namang nangyari sa’yo, Ky? Lugmok na lugmok naman ata itsura mo diyan,” puna ni Mitchie sa lugmok ko ngang itsura.

Napabuntong hininga ako. “Suko na ko.”

“Ayan na naman tayo diyan sa suko mo na ‘yan, eh. Ano ba! Kahit maraming supporters si Ace hindi ibig sabihin nun na siya na agad ang mananalo,” pinagtaasan niya ko ng kilay. “Akala ko ba hindi ka papayag na matalo niya? Anyare ngayon, ‘te?”

Umiling ako. “Ayoko na, Mitch. Ngayon ko lang din kasi narealize na hindi na talaga para sa’kin ang pwesto na ‘yon. Dapat ko namang ipamigay siya sa iba. At tingin ko naman deserve ni Ace ang pwesto na ‘yon. Kaya hindi na sasama ang loob ko kung makuha niya nga ‘yon. Atlis napunta sa tamang tao ang pwestong iningatan ko sa loob ng ilang taon.”

Bumuntong hininga siya tila sumusuko na din sa sitwasyon. She should respect my decision. Sa bagay, wala din naman siyang magagawa kundi respetuhin talaga, eh.

“Okay. Sabi mo ‘yan, ah. Basta nandito lang ako kapag iiyak ka, ah," she chuckled.

Humalakhak ako at hindi na siya sinagot.

Pumasok na ang teacher namin sa unang subject kaya nanahimik na kaming lahat. Umayos na ko ng upo at sinundan siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa harap.

Nilapag niya ang mga dala niyang libro sa lamesa at humarap sa’ming lahat. Tumayo kami at binati siya ng, "Good morning."

She motioned us to sit and so we sat. Siya ang Business Finance teacher namin na si Ms. Veronica o minsan na tinatawag naming, Ma’am Nica.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now