Chapter 55: Heartstrings

54 4 0
                                    

Chapter 55:

Heartstrings

Kylie's.

Everything went smoothly the following days. Back to normal ulit kami sa school. Nakakastress kapag malapit ng grumaduate, ang daming pinapagawa sa'min at ang dami kailangan ipasang requirements. Wala na nga rin kami halos tulog ni Mitchie, nakakadrain ang araw-araw na ginagawa namin sa school.

Uuwi kami para kumain tapos aral ulit. Wala na rin kaming oras kay netflix, hay, istorbo talaga 'tong pag-aaral namin. Siyempre, joke lang. Gusto pa namin grumaduate.

Kakatapos lang ng pre-immersion namin at magsstart na rin ang immersion namin by next week. Magkakasama kami ngayon nila Ace and Mitchie dito sa favorite spot namin sa garden.

We are eating our lunch when Mitchie opened a topic. "Malapit na tayong grumaduate, guys. Saan niyo balak mag-college?"

Napaisip ako sa sinabi ni Mitchie. Kung iisipin eh mas magiging busy na talaga kami sa College at mas magfofocus na kami sa mga desired professions namin.

Si Ace, BSBA-Major in Marketing. Si Mitchie, Bachelor of Fashion Technology since siya nga ang magtatake-over sa fashion boutique ni Tita sa States. While I am planning to take Bachelor of Science in Real Estate Management since real estate ang company ni Papa and well, I am the heiress of the company.

Iniisip ko nga din ang Cambridge Academy sa Australia na si Mommy ang may-ari pero naisip ko na din na panigurado ibibigay niya iyon kay Kuya Kyle which he really deserves! Alam ko naman na kung buhay pa si Tita Carmen ngayon, ipapamana niya talaga kay Kuya Kyle ang school.

"Hmm, dito pa rin naman ako sa Cambridge mag-aaral." sagot ko. "Dito na rin kayo, guys, para sama-sama tayo?" I chuckled.

Iniisip ko pa lang na malalayo ako sa kanila, nalulungkot ako. Nakakalungkot talaga kapag nalayo ka sa mga kaibigan mong nasanay ka ng kasama mo palagi.

Tumango-tango silang dalawa. "Dito pa rin naman ako, Kylie. At 'tsaka, nakakahiya nga kasi hindi na ako pinagbabayad ng tuition fee ni Tita Minerva."

"Talaga? Take that chance, Mitch. Gusto lang din naman makatulong ni Tita Minerva sa'yo. Yung pera naman na galing kay Tita Michaella, itago mo lang o 'di kaya gamitin mo sa personal expenses mo." suggest ko.

"Actually, may plano na ko para sa pera na binigay ni Mommy. I don't wanna waste it kaya palalaguin ko na lang lalo."

"Talaga? So anong plinano mo?"

Tahimik lamang kaming nakinig ni Ace sa kaniya habang kumakain pa din. Magkatabi kami ni Ace dito sa isang stone bench at katapat namin si Mitchie na mag-isa lang sa isang stone bench.

"I am planning to have an online shop where I'll sell beauty products 'tsaka skin care products. Will you help me, Ky?" nagningning ang mata niya.

"Of course! I'm so proud of you, Mitch, for coming up a plan like this. Sabihin mo lang kung anong help ang pwede kong ibigay sa'yo, I'll gladly do so."

Well, Mitchie knows a lot about make-up. Sa'ming dalawa, siya talaga ang mahilig sa mga ganun. Siguro given by the fact na may-ari ng fashion boutique si Tita Michaella, siyempre, binibigyan din siya ng beauty products. Kaya natuto si Mitchie sa mga gano'n.

"But for the meantime, suggest ko na maging make-up artist ka muna. Well, our graduation ball is approaching kaya panigurado na maraming maghahanap ng mga make-up artist," suggest ni Ace na tinanguan ko naman.

"Yes. Pwede rin, Mitch."

"Pwede kitang i-plug sa SSG page para aware sila na sa'yo sila pwede magpa-make-up," ngiti ni Ace kay Mitch.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now