Chapter 51: Ligaw

41 3 0
                                    

Chapter 51:

Ligaw

Kylie's.

Mabilis lumipas ang mga araw at back to normal na naman kami sa klase. Ang dami na rin naming mga requirements na kailangan ipasa. Siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag graduating na.

Ilang buwan na lang pala at gagraduate na kami sa senior high school. Naexcite ako bigla. January na pala ngayon at ilang araw na lang ay debut na ni Justin.

Kaya ito kami ngayon ni Mitchie, sinasamahan ko siya mag-ayos ng sarili. Nagpa-straight siya ng buhok kanina at nagpa-manicure and pedicure pa. Isang linggo na lang kasi ngayon at birthday na ni Justin. Hindi ko nga alam bakit siya nappressure kahit ilang beses na siya nireremind ni Justin na hindi naman niya kailangan magpa-impress sa mga relatives niya.

Pero todo ayos pa rin si Mitchie sa sarili niya. Madalas sa condo, kinakausap niya ko kung gaano siya kanerbiyos at minsan pinagpapractice-an niya pa ko. Tinatawanan ko lang siya pero tinutulungan na din. 

Iba talaga nagagawa ng pag-ibig sa bestfriend ko. 

"Just be yourself, Mitch. I'm sure they'll accept you as much as how Justin and his family accepted you." 

Naguusap kami ngayon habang nakadapa sa kama. Nagpapa-massage kami ngayon at spa naman ang sunod. Grabe talaga ang pampering na ito. Nakiki-join na lang ako kay Mitchie dahil libre niya naman lahat. Weekends ngayon pero hindi muna ako umuwi sa bahay at pinayagan naman muna ako ni Papa. Kailangan din namin ni Mitchie ito dahil for the past few weeks, nastress din kami sa mga activities and requirements sa school. 

Tapos next month ay work immersion pa namin. Gosh. Laban lang.

"I don't know, Ky. I really feel a little bit pressured. Siyempre, mayayamang pamilya mamemeet ko. I'm scared I might not be able to reach their standards." sabi niya habang napapapikit na sa sarap ng masahe sa likod niya. 

"They'll like you, Mitch. I'm sure of that." 

Hindi na kami nakapagusap pagkatapos no'n dahil parehas ng nakatulog dahil sa sarap ng masahe at idagdag pa ang mellow music sa paligid. Ahhh, perfect!

Nag-iikot-ikot na kami ngayon sa mall at plano na rin ni Mitchie bumili ng regalo para kay Justin. Naisipan ko na rin bilhan siya dahil nakakahiya naman pumunta doon ng wala ka dalang regalo. Ang problema nga lang ay hindi namin alam ni Mitchie kung ano ang ireregalo kay Justin. Parang he has it all na kasi tapos introvert pa siya kaya hindi namin alam ang mga hilig niya.

Nandito kami sa department store at nagiikot-ikot, umaasa na may makita kami dito na pwedeng mairegalo kay Justin.

While we're walking in the aisles of clothes, may bigla akong naisip kaya napatigil tuloy ako sa paglalakad. Nilingon ko si Mitchie at nakatingin lang siya sa'kin. 

"Shocks, Mitch! Bigla kong naisip na kung maikasal kayo ni Justin in the future then that means we will be cousins!" gulantang kong sabi. 

Namilog din ang mata ni Mitchie nang marealize 'yon tapos maya-maya bigla siyang namula.

"K-kasal agad? Hindi pa naman sigurado kung magtatagal kami 'no," hinampas niya ko ng mahina sa braso na ikinatawa ko naman.

"Pero at least, may possibility, diba? Hindi dapat kayo magbreak, ah?" I chuckled. "But, I will still stay as your bestfriend until then," I hugged her side habang naglalakad na ulit kami. 

Nakailang ikot na kami sa mga pasilyo pero parang inaakit lang kami ng mga damit dito kaya imbes na maghanap ng regalo kay Justin, nandito tuloy kami sa women's section at nagsusukat ng mga damit. Naalala din kasi bigla ni Mitchie na hindi niya alam ang susuotin sa birthday ni Justin kaya nung inakit kami ng mga damit na nadaanan namin, we just find ourselves fitting all these clothes in our body in this fitting room. 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon