Chapter 3: Campaign

228 8 1
                                    

Chapter 3

Campaign



Kylie's.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Dahil kampanya na ngayon at determinado talaga 'kong manalo. Kampanya pa lang pero kinakabahan na ako. Ace' impact on me, really!

Ang tagal ko ng nangangampanya pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Nakukuha na kasi ni Ace ang mga loob ng estudyante dito. At hindi ko alam kung paano nangyari 'yon!

Wala ng pakialam sa'kin ang ibang estudyante dito kaya dapat makuha ko ulit ang loob nila.

Maaga pa lang at wala pang klase, naglalakad na 'ko sa campus nang nakita kong nangangampanya na agad si Ace. Naunahan na naman niya ako. Hindi pwede 'to. I need to do something!

Nagbibigay siya ng flyers sa bawat estudyanteng naglalakad sa campus. Determinado rin talaga siyang matalo ako, ah. At nagsama pa talaga siya ng ibang tutulong sa kanya! This can't be!

Hindi lang kasi siya ang nagbibigay ng flyers, may mga kasama siyang ibang estudyante na tinutulungan siya.

I grabbed my phone from my pocket at agad na dinial ang number ni Mitchie.

Humikab siya sa kabilang linya nang masagot na ang tawag.

"Hello, Kylie?" Medyo inaantok niyang sagot.

"Mitchie!" I shouted with panic.

May narinig akong kalabog sa kabilang linya dahil doon. Paniguradong nahulog 'to sa kama dahil sa pagkakagulat. Gusto ko tuloy matawa.

"Seriously, Kylie?! You almost broke my eardrums! At teka himala ah. Ang aga aga pa kaya. Naunahan mo pa 'ko magising?"

Due to her tone and shocked expression, tuluyan na nga talaga siyang naggising.

Well. Palagi kasi akong late magising pero hindi naman ako nalalate sa klase palagi. At dahil nga kampanya ngayon, inagahan ko pati ang paggising ko.

"Hurry up and take a bath! Kahit dito ka na mag breakfast. Nandito na 'ko sa school, Mitch and I need your help! Please?" Nagpacute pa ko sa kanya kahit 'di niya ko nakikita.

"Hmm, is this about the campaign?" nakarinig ako ng pagbukas ng gripo sa kabilang linya kaya siguro ay naghihilamos na siya.

"Yes! And I need you here. Please?" I pleaded once again.

Kaya ko naman 'to mag isa pero iba pa rin kapag kasama ko si Mitchie, ang aking best friend.

"Okay, fine."

Namatay na ang tawag pagkatapos noon at ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa ng palda ko.

Kinuha ko na rin ang mga flyers sa loob ng bag ko at naghintay na may dumaang mga estudyante.

Huminga ako ng malalim at naghanda ng sasabihin ko. Para habang wala pa si Mitchie, may ginagawa na ako.

"Hi, Ate!" Bati ko sa babaeng estudyanteng dumaan sa harap ko. Hinarang ko pa siya sa daan para mapansin niya talaga ako. "Ang ganda mo naman po! How to be you po?"

Mukhang epektibo naman dahil inilagay niya ang buhok sa likod ng tenga niya at ngumiti sa'kin.

"Thank you, Ate," aniya, medyo mahinhin ang boses.

Mas lalo akong ngumiti ng malapad at binigay sa kanya ang isa kong flyer. Doon nakasulat ang, Vote for Kylie Gomez running for the position of President in Supreme Student Government. At siyempre, nilagay ko doon ang pinaka maganda kong picture na may maganda ko ring ngiti.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now