Chapter 33: Bestfriend

73 4 0
                                    

Chapter 33:

Bestfriend


Mitchie's.

Hindi dapat ako papasok ngayong araw dahil hindi ko ramdam pumasok at pakiramdam ko mauulit lang din ng mauulit ang sitwasyon ko sa school. I ate lazily in the morning while Kuya was infront of me.

"Aalis ako ngayong araw kaya pumasok ka ngayon, okay? Walang magbabantay sa'yo dito kahit nandito pa sila manang, busy din sila sa mga kani-kanilang trabaho." 

Ayoko mang pumasok, but Kuya won't let me. Natatakot siya sa pwede ko ulit gawin sa kwarto. Nitong umaga nga, natutulog pa lang ako, naka-abang na agad siya sa paggising ko, really making sure that I won't do anything that can harm me again.

"I'll drive you to school. Kailangan mo ding pumasok, Mitchie. Just call me right away kapag may problema, okay? Baka I'll also be the one who will pick you up later." 

I just nodded in response at walang nagawa kung hindi ang um-agree na lang sa sinabi niya. Mukhang tama rin naman talaga si Kuya. Ayoko rin naman magkulong lang sa kwarto ko at hayaang balutin na naman ako ng lungkot.

Kami lang palagi ni Kuya ang nandito sa bahay dahil sila Tita Charlotte and Tito Richard, merong business trip sa Baguio. Samantalang si Daddy naman ay nasa work niya ulit.

Kaya ngayon ay nandito na 'ko sa room pagkatapos akong ihatid ni Kuya papuntang school. Susunduin niya na lang din daw ako mamaya pag-uwi at tumawag lang ako kapag tapos na ang klase. 

I am not a little kid or something but he treats me like one. Atleast, I know in this world, there is someone who deeply cares for me.

Hindi ako umupo sa usual seat ko kung saan katabi ko si Kylie dahil mas pinili kong lumayo ng pwesto at lumapit sa unahan. Bahala na kung malapit sa teacher's desk, atlis, makakapakinig ako ng maayos sa klase. 

Naramdaman ko na ring pumasok si Kylie sa classroom at hindi ko alam kung napansin niyang wala ako sa upuan pero hindi ko na lamang pinansin at pinagtuunan na lang ng atensiyon ang pagkalikot sa cellphone ko at pakikinig ng music.

Tumigil lamang ako sa pakikinig ng music nang pumasok na ang subject teacher namin. Umupo na ako ng maayos at nakinig sa klase. Since malapit na ang pagtatapos ng first semester namin, nag-announce na rin si Ma'am sa'min about sa nalalapit na sembreak pero kailangan muna naming mag-take ng final exams ngayon. 

Right. Another distraction. I will just focus on my academics now. 

After her mini announcement, she gave us the lessons we need to review for the upcoming finals. I just take notes of it and she told us to pass our notebooks para ma-check-an niya at ma-record. 

Buti na lang at may mga na-copy akong notes sa subject na ito. I passed my notebook and my other classmates followed.

Bumalik na ulit ako sa pakikinig ng music habang naghihintay kay Ma'am matapos sa pagchecheck niya. Meanwhile, she was saying something which I cannot heard so I removed my earpods from my ears. 

"Yes, Ma'am?" 

"Please distribute these to your classmates. Thank you." 

Ayun nga lang ang mahirap kapag naupo ka malapit sa teacher's desk, madalas ikaw ang mauutusan ng teacher. Pero dahil choice ko naman ito at medyo bored din naman ako, sinunod ko na lamang ang inutos ni Ma'am.

Kukunin ko na dapat ang mga notebooks nang may matabig na isang notebook si Ma'am at nahulog ito sa sahig. 

"Oops, I'm sorry." 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now