Chapter 17: Heartbeat

145 8 3
                                    

Chapter 17:

Heartbeat


Kylie’s.

The following days, Ace and I became more closer dahil na rin sa part kami ng parehong club. We became closer that I started to distance myself from him. Hindi ko kasi gusto ang ipinaparamdam niya sa ‘kin. This feeling is unfamiliar to me.

Iyong lalapit lang siya, kumakabog sa bilis ng tibok ‘yung puso ko tapos pagpapawisan na ‘yung noo ko.

Iyong maamoy ko lang ang pabango niya malapit sa ‘kin, parang gusto ko pa ilapit lalo ang sarili ko sa kaniya.

Iyong... gusto ko palagi siyang nasa paligid ko araw-araw.

Iyong siya lagi ang hinahanap ko kapag pasok pa lang ng room.

Hindi na talaga ako okay! Delikado na ‘to! Ayoko ng ganito!

Bakit ba naman kasi lumipat pa siya sa Cambridge Academy kahit last year niya na sa Senior High School?

Hindi niya ba naisip na mahihirapan siya noon dahil magiging irregular student siya? Kaya sa aming lahat, siya lang ang may Saturday class.

Kaya ang naisip ko lang na plano para sa naghaharumentado kong puso ay iwasan siya. I don’t like what I am feeling when he’s around!

He’s already our friend, alright, pero didistansiya na muna ako hangga’t sa bumalik na sa normal ang pakiramdam ko tuwing nandiyan siya sa paligid.

Natigil ang thoughts ko nang kalabitin ako ni Mitchie.

“You’re not focusing. What’s bothering you?” nakapangalumbaba niyang tanong.

Kanina pa kasi nagdidiscuss ang teacher sa harap pero nasa malayo ang tingin ko. Mitchie knows I’m focusing or not by the way my eyes stare at our professor pero ngayon ay wala sa professor ang tingin ko at nasa labas lamang ng bintana.

“My mind’s just occupied,” dahilan ko.

She shrugged. “Oh, yeah?” and later on, she chuckled.

Napabuntong-hininga na lamang ako. “I’m serious, Mitch. Something’s bothering me and I can’t tell it to you.”

“Or…” tinaas-baba niya pa ang kilay niya, parang nang-aasar. “Someone is bothering you,” inginuso niya ang direksyon ni Ace kaya napalingon tuloy ako doon at awtomatikong napanguso dahil makita pa lang siya, ayan na naman ang puso ko!

Just what the effin’ is wrong with me?

Binalik ko ang tingin kay Mitchie at kinindatan niya lamang ako. Oh, right. She knows me too well. Kahit hindi ko sabihin sa kaniya, malalaman at malalaman niya talaga.

Bigla na lang sumagi sa isip ko na first week of July nga pala ngayon! It also means, Mitchie’s birthday is approaching which will be happening on July 14th. Hmm, I think I found a distraction with what’s bothering me, ha?

Class dismissed at agad na namang nag-unahan ang mga kaklase ko sa paglabas ng pinto. I stayed inside the room and fixed my things when I suddenly felt a presence behind me. Alam kong hindi ito si Mitchie dahil hindi naman magwawala ang puso ko kung siya iyon. I turned my back to confirm if it’s the guy who’s making my heart beat wildly.

Bigla na lamang nagpaalam si Mitchie sa tabi ko at sinabing magkita na lang kami sa usual spot namin sa garden. Hindi ko nagawang tumango o tumugon dahil parang nakapako na ang paa ko sa sahig. Naramdaman ko na lang siyang umalis at lumabas ng room.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Where stories live. Discover now