CHAPTER 61

673 33 37
                                    

EDWARD'S POV

"Pwede bang ibaba mo na yang baril mo? Mamaya iputok ko sa ulo mo yan."I said,irritated.Kanina pa nakatutok yung baril sa sintido ko.Nakakainis na.

"Wag kang gagalaw!"Sigaw niya na naman.

"Alam mo,f*ck you.Pang ilang beses mo ng sinabi yan.Yan lang ba ang alam mong sabihin? Para kang sirang plaka."Inis na sabi ko.Galit niya lalong itinutok ang baril sa akin.

"Leche.Hinahamon mo ba ako?"Mayabang na sabi ko sa kanya.Hinawakan ko pa ang dulo ng baril na nakatutok sa akin at idinikit sa noo ko.

"Oh.Iputok mo na,leche ka.Kanina ka pa.Tutok ka ng tutok,ayaw pang iputok eh."Dagdag ko pa sa kanya.Tutok lang pala kaya niyang gawin eh.

"Hoy! Ano ba! Ang ingay mo ah!"Nakisabat naman ang isang kasamahan niyang may baril din.

"Isa ka pang leche ka.Saan niyo nga ako dadalhin.Kung papatayin niyo ako,gawin niyo na.Dami niyong alam.Pinagpabukas niyo pa,pwede naman kahapon niyo na ginawa."Walang ganang sabi ko at sumandal sa kalawang na poste.

Dinala nila ako sa abandonadong lugar na ang makikita mo lang ay sirang sasakyan at kung ano anong malalaking container at iba't ibang kahon na kahoy.Bulok na mabaho pa ang lugar kagaya na lang ng dalawang parrot na ito.Paulit ulit lang ang sinasabi.Nakakairita.

"Ang aga aga nag iingay ka na naman,Edward.Hindi ka pa rin talaga nagbabago."Napalingon ako sa harapan ko nang marinig ko ang isang tinig ng babae.

"Ito pa,isa ka ring leche.Leche kayong lahat.Anong maaga sinasabi mo dyan? Kahapon pa ako nandito ngayon ka lang dumating?"Iritableng sabi ko.

Kung ganitong araw pala magpapakita itong isang ito ay sana kanina kanina na lang sana nila ako kinuha.May pakuha kuha pa sila sa akin kahapon at sinabing may gustong makipagkita sa akin tapos pagdating ko dito kahapon ay wala naman.Ngayong araw na ito pa pala magpapakita.Leche talaga.Ginagalit ako,wala akong kain tapos gagalitin nila ako.Usapan namin kahapon nila J.D ay pag uusapan namin ngayon ang strategy sa basketball tapos ganito lang mangyayari.

"Long time no see again,Edward."Nagpakita ang mukha niya mula dilim.Si Allisa and with that bitch Stephanie.Bakit magkasama yang dalawang kampon ng mga bitch? Talagang nagsama pa ang dalawang malandi.

"Hey there,babe."Tawag sa akin ni Stephanie.Gusto kong masuka.Grabe,anong naisip ko at pinatulan ko itong bitch na ito? Kung ikukumpara ko ito kay Cassy the loser ay walang panama yung itsura ng bitch na ito sa kanya.Hate to admit it,but Cassy is much better than these two bitches infront of me.

"Stop calling me that,bitch."Madiing sabi ko.She looked at me playfully.

"Hindi mo ba ako namiss?"Tila nagpapaawang sabi niya.

"Itigil mo yan,mukha kang asong ulul.Linta ka lang dati nag upgrade ka sa pagiging asong ulul."Walang ganang sabi ko.Kita ko sa mukha niya kung paano siya napahiya at nainis sa sinabi ko.Well,that feels great.I like that expression on her face.

"Edward,grow up.Bakit kailangan mong sabihin sa kanya ang ganong bagay.That's insulting."Sabi ni Allisa.

"Insulting? No,I'm describing her."I said,no expression on my face.

"How dare you!"Sigaw ni Stephanie the bitch sa akin.Di ko naman siya pinansin at nagkamot ako ng ulo.Tsk,gutom na nga ako ang bagal pa magsalita.

"Oh,bakit niyo nga ako pinapunta dito? Nandito ka na't lahat lahat,wala ka pa ring sinasabi.Puro ka lang dada na wala sa topic."Walang ganang sabi ko kay Allisa.

"Wala ka bang balak na bumalik sa Black Phoenix?"Tanong ni Allisa.Sarkastiko naman akong natawa.

"Anong tanong mo? Balak ko pang bumalik sa Gang na yun? Sinong niloko mo?"Inis na sabi ko.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now