CHAPTER 16(Edited)

5.1K 123 2
                                    

Edward POV

Uwian na rin sa wakas.Hinihintay ko na lang sila Lukas dito sa may parking lot.Na-delay kami kahapon kaya hindi natuloy.Ngayon ko na susugurin ang kuta nila.Tawag sa kanila ay MGA ULUL,este BLACK PHOENIX GANG pala.

Isa siyang grupo na puro masamang tao ang nandun,malamang di ba? Mga g*go yung ibig kong sabihin.Gusto ko lang naman sanang patumbahin ang boss ng grupo na yun.Matagal ko na siyang pinaghahanap dito ko lang pala matatagpuan.

Dati na rin kasi akong naging miyembro ng grupo na yun.Trinaydor nila ako kaya ito ako ngayon at balak silang gantihan.Pinatay nila ang isang kaibigan ko bago ko pa man makilala sila Lukas na matalik na mga kaibigan ko ngayon.

Ang utos nila kapag nakuha ko ang pera na pinapakuha niya dun sa isang Gang Leader ay papakawalan niya ang kaibigan ko pero mga walang hiya ang king*na! Pati inosenteng magulang ng kaibigan ko,dinamay pa.Mga lecheng traydor di ba? So now that I came back,I'm going to get my revenge.

Nabalik ako sa ulirat nang makita ko na sila Cash na naglalakad papunta sa direksyon ko.Ang kukupad talaga ng mga ugok na ito kahit kailan.Leche!

"Tsk! Pwede bang bilis bilisan niyo naman ang mga galaw niyo! Naglalakad na nga lang mabagal pa din!"Sigaw ko sa kanila.

"Ito na nga eh! Bakit ba di ka makapaghintay? Init init ng ulo mo dyan!"Sigaw ni Adrian habang nagkakamot pa ng ulo.

Nang makalapit na sila ay isa isa ko silang binatukan.Ang kukupad kasi eh! Pinaghihintay pa ako.

"Ano ba! Bakit ka ba namamatok dyan?!"Inis na singhal ni Alexander sa akin.

"Oo nga! Ano bang problema mo? Nung isang araw ka pa ata ah!"Isa pa tong si Ivan.Pinagtutulungan talaga ako nitong mga ito eh.

"Oh tapos? Umaangal kayo ngayon sa akin? Ha?" Maangas na tanong ko sa kanila.Nakita ko namang napalunok sila.

"Sabi ko nga eh,biro lang naman yun.Ikaw naman,hindi ka mabiro eh! Wag ka ng magalit!"Suyo pa sa akin ni Ivan at Adrian na may pabangga pa sa balikat ko.Takot yang mga yan sa akin.

Napatingin ako kay Cash na tahimik na nakikinig dun sa music niya habang nakaheadset pa siya kaya naman lumapit ako at sinapok ko siya.Napahawak naman siya sa ulo niya at tumingin sa akin ng may pagtataka.Tinanggal niya yung headset niya.

"Ano na naman? Bakit sinali pa ako?"Takang tanong niya.

"Ikaw naman,bakit ang tahimik mo dyan?"Tanong ko sa kanya.

"I dont have anything to say."Sagot niya at nilagay ulit yung headset niya.

"PSH! Hayaan mo na yang si Cash,bro.Ganyan naman talaga ang ugali nan.Kapag nagsalita naman nakakainis lang ang mga sinasabi."Natatawang sabi ni Lukas.Tumingin naman ako kay Cash at ginulo ang buhok niya.

"Could you stop doing that? I'm not a kid."Singhal ni Cash at inalis ang kamay ko bago pumasok sa loob ng kotse.

"Let's go."Aya ko sa kanila.Tumango naman sila at sumakay na sa kanya kanyang kotse.

*  *  *  *  *  *  *

Maya maya pa ay nakarating na kami kung saan ngayon nagkukuta ang Black Phoenix Gang.

Nang makababa kami sa kanya kanyang kotse ay lumapit sila sa akin.

"Hoy,ako muna ang papasok sa loob.Bibigyan ko kayo ng signal kung pwede na kayong sumunod sa akin sa loob pero kapag natagalan pa ako sa loob baka ibig sabihin nun tinuluyan na ako dun ng mga lokong yun."Sabi ko sa kanila.

"G*go ka,wag mo ngang sabihin yan."Sabi ni Lukas sa akin.Napangisi naman ako at tumango na lang ako sa kanila at pumasok na ko sa loob.

Kung titignan ay lumang luma na itong building na ito wala ng pupunta ditong ibang tao kaya naman dito na lang sila namamalagi.Wala masyadong nakakaalam sa lugar na ito maliban sa kanila at sa amin na rin ng mga kaibigan ko.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now