CHAPTER 41

3.7K 109 17
                                    

Dale's POV

Bumalik ulit ako sa headquarter ng team para kunin ang bag ko.Pagpasok ko sa loob nandito yung anim na ugok.

'Tss...mga walang kwenta talaga,hindi man lang pumasok sa mga klase nila...ano na naman bang pinagkakaabalahan ng mga ugok na to at nandito tong mga to?!'

Napalingon naman silang lahat sa'kin ng maramdaman nila ang presensya ko.

"Why are you all here? Di ba may mga klase pa kayo??"Tanong ko at nagcross-arm pa.

"Coach,ganito talaga kami.Hindi namin trip pumasok ngayon kaya hayaan mo na lang kami."Si Alexander.

"Ano nga pala yung gustong mong pag-usapan nating lahat? Ngayon mo na sabihin Coach."

'Now you're all calling me Coach huh?!'

"Forget it.Wala na akong ganang magsalita."Sabi ko at lumakad na palapit sa locker ko kung saan ko nilalagay ang mga gamit kong pang basketball. Habang kinukuha ko ang bag ko,biglang nagsalita ang isa sa kanila.

"Hey,I think I've seen you somewhere."Napatigil ako saglit saka ko kinuha ang bag ko at isinukbit sa balikat ko bago ako humarap sakanila.

"Oh,really?"I smirked.

"You're from that group of gang aren't you?"Seryosong tanong ni Edward.

"Group of gang? Ano bang pinagsasabi mo dyan Edward?"Sabat ni Adrian.

"Wala akong sinasalihang grupo ng mga g*go kagaya niyo,Ni minsan hindi pumasok sa isip kong sumali sa mga grupo na yan,sila ang sumasali sa grupo ko."Seryosong sambit ko naman.Base sa ekspresyon ng mukha niya ay hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin kaya napabuntong hininga ako ng malalim.

Umupo naman ako sa isang bakanteng long chair at nagpandekwatrong pambabae at ipinatong ko ang mga kamay ko sa sandalan ng upuan.

"Teka nga,bakit ba interesado kayong malaman ang pagkatao ko? Bakit parang hindi kayo mapakali na hindi niyo malaman kung sino ako?"Natigilan naman sila parepareho.

"Heh,fine...I'll let you know my true identity tomorrow,after ng practice natin."Ngisi ko pero seryosong sabi ko tsaka tumayo na at binitbit ulit ang bag ko.

"Okay,I'm going home.Napagod akong makipagbasag ulo ngayon,nakikita niyo tong mga pasa sa mukha ko? Kung ayaw niyong magaya dito.Magsitabi kayo sa dinadaanan ko at badtrip ako,alis dyan."Inis na sabi ko agad naman silang nagsitabi sa gilid.Makikinig na nga lang kasi sa kwento ko,kailangan nakatayo pa!

Agad na akong lumabas ng headquarter at dumiretso na sa parking area.

Nang makarating ako ay agad na akong sumakay sa loob ng kotse ko at pinaharurot na yon.

*Criiingg!!*Criiingg!!*

Kinuha ko ang bluetooth earphone ko sa dashboard at inilagay sa tenga ko.

"Hello?"

"Son,are you busy?"Si Dad lang pala.

"No,it's okay,why?"Tanong ko sa kabilang linya habang diretso pa rin ang tingin ko sa daan.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now