CHAPTER 39(Edited)

4.1K 95 10
                                    

Alexander's POV

*Yawn*

5:00 a.m

"TCH! It's too early,but I need to get up.Bakit ba kasi sa dinami raming pwedeng maging coach,eh yung kapatid pa talaga ni Cassy?! Ayos lang sana kung kasing ugali rin niya pero...ang layo ng ugali nilang dalawa! badtrip!"Kausap ko sarili ko.Bakit? Anong problema niyo? Baliw na agad? Hindi ba pwedeng worried lang?

Kahit nilalambing pa rin ako ng higaan ko na bumalik sa kanya...sorry,babe pero hindi na pwedeng lambingin kita ngayon,dahil baka pati ako ay lambingin ng badtrip na punishment na yan kapag nalate ako sa pinag-usapan naming oras.Di ko pa naman alam kung anong mga punishment ang ibibigay ng lalaking yun lalo na at hindi pa namin kilala ng buong buo ang pagkatao ng John Dale na yan.Bakit ba naman kasi ang tagal bumalik ni Coach?
Kahit hindi naman kasi siya magsisigaw eh,pwede namang siya na lang magcoach.Kaya pa naman siguro niya.

Pumasok na ako banyo at naligo ng sobrang lamig na tubig para magising ang diwa ko at nagsipilyo.Nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng basketball uniform dahil sa sobrang aga imposibleng pagsuotin kami nun ng school uniform dahil 8 am ang simula ng academic classes.

Sa Cafeteria na lang ako mamaya kakain para masiguro kong malapit lang ako sa University.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa side ng higaan ko at bumaba na tsaka pumunta sa garahe para kunin ang kotse.Agad akong sumakay at pinainit ko muna ang makina  bago ipaharurot papuntang P.A.

Papunta pa lang ako ng University nang madaanan ko si Abby ngunit may sumusunod sa kanyang tatlong lalaki.

"Tss,hanep ah,kailan pa nagkaroon ng stalker yang babaeng yan? Kailan pa sumikat yan? Ang papangit naman ng mga stalker na unggoy na yan."Kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa side mirror ng kotse ko pero kusa akong napatigil sa pagmamaneho nang makita kong hawakan siya ng dalawang lalaki sa balikat.

Kusa rin akong napababa ng kotse ko para sana sugurin yung tatlong unggoy...pero si Abby kasi nagsalita eh.Magpapakabayani na sana ako eh,tss..

"Ano ba!? Bakit ba kanina pa kayo sunod ng sunod sa'kin?! May kailangan kayo?!"Rinig kong tanong ni Abby sa mga lalaki.

d-___-b

'Tss...aarte ka pa? Ngayon ka na nga lang nagkaroon ng stalker mo,mga manyak at di kagwapuhan nga lang.Malas mo talaga kahit kailan.'

"Miss,wag ka ng mag inarte dyan.Number na nga lang ang hinihingi namin at hindi yang katawan mo eh."Tugon ni unggoy 1.

"Sira ka ba? Eh,sa ayaw ko? May magagawa ka?! Tabi nga dyan! Sinasabi ko sa inyo,kapag ako nalate,sisirain ko yang mga future niyo!"Si Abby. Palaban talaga kahit kailan eh.

"Edi kahit katawan mo na lang hingiin namin,tutal sexy ka naman kahit papano! hahaha!" Unggoy 2.

"Mga unggoy talaga kayo eh,no? Alam ko namang sexy ako,di niyo na kailangang ipaalalapa sa'kin,matagal ko ng alam.And for your information,sino naman kayang tao ang gustong ibigay ang number niya sa hindi niya naman kilala at mukha lang chonggo na feeling gwapo at demonyo ang itsura?! Sige,sabihin niyo sa akin?!"Sigaw niya. Hay naku,Abby.Asarin mo pa,mas lalo ka lang mapapahamak nan sa ginagawa mo.

"Hoy babaeng,yung harap eh mukhang likod naman! Buti nga at kami pa itong lumalapit sa'yo eh! At saka,hoy! kung demonyo man kami,gwapo kami! gago!"Unggoy 3.Hahaha!! Yung harap na mukhang likod!! Laptrip ang g*go! Hahaha!!

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now