CHAPTER 28:CASH REVELATION(Edited)

4.5K 111 13
                                    

Ilang araw na rin akong nandito sa Australia kaya naisipan ko na ring umuwi dahil kailangan ko na ring kausapin si Angelica tungkol dun sa nangyari.

Sumama na rin sa'kin sina Edward pero nagpaiwan si Alexander dahil may pinagagawa daw sa kanya yung mommy niya.

Nakalipas rin ang dalawang buwan ay di ko pa rin siya makalimutan hanggang ngayon.

Bumalik na rin si Alexander.Nagkwento pa nga na may nakasabay daw siyang babae na maganda sa sinakyan niyang airplane.

Napag-isipan ding magmall ng mga gung gong kong kaibigan,kaya no choice at sumama na rin ako...pero mga g*go nga talaga nagkanya kanya rin pala.Nag aya pa talaga kung solo solo rin pala ang punta nila.

Naisipan ko munang kumain tsaka naman pumunta sa Arcade para maglaro ng basketball.Maya maya lang ay naisipan ko munang bumaba...pero dahil trip kong mag elevator eh yun na ang ginamit ko.

"Grabe no,ang sama nung lalaki dun sa national bookstore,biruin mo na sinabi ba namang nilandi siya nung magandang eh mukha ngang anghel yung babae kung titignan mo tsaka nakita ko yung totoong nangyari noh.He is so bad!"Rinig kong pinag uusapan ng mga babae sa harapan ko.Di ko na pinansin pa.

Nanatili akong nasa elevator sa di ko malamang dahilan...

Hanggang sa ako na lang mag isa sa loob.

*Ting!*

Biglang may pumasok na babae sa loob ng elevator...

TUGDUG*TUGDUG*TUGDUG*TUGDUG...

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Kaso nung narinig ko siyang umiyak parang tinusok ng karayom ang puso ko.Ngayon na nga lang ulit kita nakita,talagang umiiyak ka pa.

Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko.Nabigla pa ako dahil yung panyong nakuha ko sa bulsa ko ay yung panyong binigay rin niya sa'kin nung time na nasa Australia ako.

No choice.Mukhang kailangan mo ng bumalik dun sa kung sino ang nagmamay ari sa'yo...

"Here."Abot ko sa kanya nung panyo pero dahil hindi niya nga ako kilala ay taka niya munang tinignan iyon bago niya tinanggap.

'Damn it! Kinakabahan na naman ako kasi nandito na naman siya.Siya lang talaga ang nakakapagpakaba sa'kin ng ganito.Kahit nga mga sinsikato na ang nakakalaban ko hindi man lang ako kabahan pero kapag siya.Tsk! Ibang usapan na talaga. Nakakabading na!

"Thanks,isosole ko na lang sayo."Sabi niya.I finally hear her voice again.

"No,keep it.Sayo na lang."Sagot ko sa kanya nang hindi ako nakatingin.Siya naman ang totoong may ari ng panyo na yan.

*ting*Elevator open...

"Be careful."Sabi ko pa at lalabas na sana kaso di ako mapakali eh.Gusto ko talagang malaman.

Kumuha pa ako ng lakas ng loob para itanong to sa kanya.

"Miss wait,can I ask your name?"I asked kasabay ng paglingon ko sa kanya.Napansin ko pa ang bahagyang pagkabigla niya.

"C-Cassy."Maikling sagot niya.So,she is Cassy.
Nabuhayan ako ng loob ng sabihin niya sa akin ang pangalan niya.

"By the way,I'm Cash.That's my name"Sabi ko at lumabas ng elavator.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now