CHAPTER 55

2.6K 96 21
                                    

ABBY'S POV

"Thank you,coach sa pagpayag sa practice game namin."Nakangiting sabi ko.

"Ayos lang hija,sabihin niyo lang kung kailan at kami na mismo ang pupunta sa University ninyo para masimulan natin ang practice game."Nakangiting sabi ni coach.

"At pagpasensyahan niyo na rin ang mga alaga kong ito kung nagsimula na namang manggulo,sadyang mayayabang talaga ang mga ito."Sabi ni Coach at nilingon ang tatlong water tank na parang batang pinatuhod sa sahig at nakayuko.

"Tsk! Pakisabi ho sa mga yan na kung gusto pala nila ng yabangan,sa basketball nila idaan wag sa sapakan.Akala mo mga macho sa laki ng katawan pero mga maraming nalamon lang naman ang mga yan."Sabi ni Alexander at dinuro pa ang tatlong water tank.

"Ako na ang bahala hijo,pagpasensyahan mo na sana sila at mapalagpas.Hayaan niyo at bibigyan namin kayo ng magandang laro."Sabi pa ni Coach.

"Sige ho,magpapaalam na po kami."Sabi ko naman.Tinanguan niya naman kami.

"Una na ho kami."Sabi ni Alexander at di pa nadala at inambangan pa ng suntok ang tatlo.

"Hoy! Ano ba! Halika na nga."Sabi ko at hinila siya palabas.

"Nakakabwisit yung mga ugok na yun!"Inis pa na sigaw niya habang papalabas kami.

"Wag mo na nga silang intindihin,tignan mo nga yang bangas mo sa mukha!"Sabi ko sa kanya.Nilingon niya naman ako.

"May dala ka bang salamin dyan?Kaasar,nakalimutan kong nabangasan nga pala ako.Masisira na naman tong pagmumukha ko."Inis na sabi niya.

"Meron akong dala,nasa sasakyan yung bag ko."Sabi ko.Agad kaming dumiretso papunta sa kung saan nakapark ang kotse niya nang makabangga namin mismo ang ex ko.

"Anong ginagawa mo dito? Pagkatapos mo akong iwanan babalik at babalik ka dito?! HA! Sa tingin mo papayagan pa kitang balikan ako! For your information,my little EX GIRLFRIEND,hindi na kita kailangan at maraming babae ang nagkakagusto sa akin!"Sigaw niya sa mismong mukha ko.Natawa naman ako ng sarkastiko.

"Ang kapal rin naman talaga ng pagmumukha mo eh no? Hoy,hindi kita kawalan at nagpapasalamat pa ako dahil hiniwalayan kita.Akala mo kung sinong gwapo eh kasinglaki ka rin naman ng mga water tank ng basketball team dito and for your information din,wala akong pakialam kung magustuhan ka pa ng mga babae sa buong mundo naiintindihan mo? WALA AKONG PAKE."Pagdidiin ko pa sa mismong mukha niya.

"Ano kamo?!"Sigaw niya at akmang sasampalin ako pero agad na nahawakan ni Alexander ang kamay niya at napigilan ito.Nabaling ang atensyon niya kay Alexander.

"Di ka pa rin talaga nadala sa mga sinabi ko sa'yo noon,no? Di ba sinabi kong ayokong nadadapuan ang GIRLFRIEND ko ng mga insektong kagaya mo, nakakaintindi ka bang insekto ka o gusto mong daanin kita sa kamao ko? You choose."Seryosong sabi ni Alexander at hinila ako papunta sa likuran niya.

'Damn it...kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ng lalaking to pero kapag kasama ko siya safe na safe ako.'

"Ikaw na namang kupal ka?! Anong ginagawa niyo sa teritoryo ko! Hindi niyo ba alam na walang nakakalabas ng malinis ang mukha dito kapag pumasok kayo dito?!"Mayabang na sigaw niya kay Alexander.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now