CHAPTER 57

3.7K 213 252
                                    

NICOLE'S POV

Oh my gosh! Did I really said that?!

Napatakip ako sa mukha na siguro ay namumula na ngayon.By the way,siguro ito ang unang POV sa istorya na ito.Nice to meet you pala.

"Ahhh,nakakahiya talaga."Hindi pa ako nakakapasok ng bahay dahil hindi pa rin ako makapaniwala.Nahihiya ako dahil kapag kaharap ko siya ang lakas lagi ng tibok ng puso ko.Lagi akong nauutal kapag kausap ko siya dahil kahit magkaklase kami ay hindi ko magawang lumapit sa kanya lalo na kapag hindi ko kasama sina Cassy at Abby.Mas lalo akong kinakabahan.

"Oh,nandito ka na pala?"Pagpasok ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin si Mommy.Nagbless ako bago ako dumiretso sa sala para ilapag muna ang mga gamit ko.

"Kauuwi ko lang po.Saan pumunta si Ate?"Tanong ko.

"Alam mo naman ang ate mo,gala."Sabi ni mommy at uminom ng dala niyang wine.

"Ganitong oras? Bakit pati yung driver ko kasama niya pa?"I asked,irritated.

"Nicole,yun ang gusto ng ate mo kaya hayaan mo na siya.Sige na,umakyat ka na muna at magpalit ng damit at bumaba ka agad para makakain ka."Sabi ni Mommy at umupo sa may bar area namin.Masyado kasing ini-spoiled si ate eh.Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.Humiga muna ako saglit at ipinatong ko ang kamay ko sa may noo ko.

"Daddy,kailan ka ba uuwi? Walang ginagawa si Mommy para pigilan si ate na gumala at magbar.Pare-pareho kayong busy."Sabi ko.Bumangon muna ako at nagtanggal ng uniform tsaka dumiretso sa bathroom.

Agad akong nagbabad sa bath tub at inalala ang sinabi ko kay Lukas.

' Goodnight...mag-ingat ka.'

Kung kaya ko lang sabihin sa'yo yan ng hindi ako nauutal at kaya kong makatingin ng diretso sa mga mata mo...sigh.

Oo,totoo na I admire him.I like him.Hindi naman siguro mawawala ang ganon lalo na kung alam mo naman na kahit tawagin siyang bad boy pero ang totoo mabait naman siya.

Let's say na crush ko siya pero kahit ganon hindi mo maiaalis na masaktan kapag marami din ang nagkakagusto sa kanya.Actually,bihira ko lang talaga siya nalalapitan kaya nabigla ako na pumayag rin siyang ako ang magturo sa kanya sa isang subject at hinatid niya pa ako dito sa bahay.

Sa totoo lang,takot talaga akong magtaxi lalo na kapag mag isa dahil sabihin na natin nung bata pa ako noon ay iniwan ako ni ate sa mall mag isa at hindi ko alam ang gagawin ko pero dahil alam ko ang address ng bahay namin ay nagtaxi na lang ako.Pero hindi ko akalaing ang taxi na masasakyan ko ay may balak na masama.

Mabuti na lang at nung malapit na ako mapahamak ay may saktong tumigil na sasakyan sa harapan ng taxi na sinasakyan ko kaya nakalabas ako at tumakbo.Buti na lang may isang batang lalaki noon ang tumulong sa akin at hindi ko siya makakalimutan.Yun nga lang hindi ko na maalala ang name niya.

Nang matapos na akong magshower ay lumabas na ako ng bathroom at magbihis na muna.

*Criing!!Criing!!*

My phone is ringing kaya kinuha ko naman ito sa gilid ng bed ko.

"Hello?"I answered.

"Hi Nicole,si Cassy ito."Sabi niya.

"Cassy,hi.Kamusta pala yung kuya mo?"Tanong ko dahil alam ko yung nangyari sa kanya.

"Ayos naman na.Pumunta sila kanina ni Ate Eliza para magpacheck up kung ayos lang talaga siya.Minor injuries lang daw ang natanggap niya kaya kailangan niya pa ring magpahinga."Halata sa boses niya ang pag aalala.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now