CHAPTER 25(Edited)

4.3K 96 0
                                    

Ivan's POV

Naghihintay kami dito ngayon sa office ni Tito...kasama namin ang pinsan ni Cassy.

"Damn,where the hell is tito?!"Sabi ko habang palakad lakad.

"Bro."Rinig kong tawag ni Adrian sa'kin pero di ko siya pinansin at nagpalakad lakad pa rin sa harapan nila.

"Bro,Ivan."Tawag naman sa'kin ni Alexander.Di ko rin siya pinansin at nagtuloy lang.

Eh,kasi naman.Masyado akong kinakabahan kung ano ng nangyari kila Lukas.Kapag may nangyari talagang masama sa kanila ipapa masacre ko talaga yung gumawa ng pagsabog na yun...pati mga pamilya nila idadamay ko kapag nalaman kong may nangyari talaga sa kanilang apat.

"IVAAANNNN!!!"Nagulat ako sa sigaw nila Adrian at Alexander.Nakita ko pang natawa si Ate Eliza.

Tae! Nakakahiya!!!

"B-bakit ba?!"Inis na tanong ko.

"Taena ka! nakakahilo ka ulul! pwede bang relax ka lang ha?!"Inis na sabi ni Adrian.

"Eh? anong relax?! di ako makakapagrelax noh!"Sigaw ko kay Adrian.

Maya maya biglang pumasok si Tito kasama si Dad.

"Dad,Tito."Sabi ko at nagmamadaling lumapit sakanila.

"Son."Sabi ni Dad at yumakap sa'kin.Alam niyo kahit bad boy ako.Close pa rin kami ng Dad ko.Ayaw niya nga lang talaga ng ugali ko.

"Dad,ano? kumusta na yung paghahanap sa mga kaibigan ko?!"Nag aalalang tanong ko.

"Mmm...to be honest,we found the bus.Medyo malayo siya sa kung saan bumagsak.Mukhang natangay rin siya dahil sa lakas ng alon kaya ganun na lang kung makarating sa malayo ang bus.But there's no bodies found inside the bus."Sabi ni Tito.

"Walang katawan na nahanap sa loob ng bus?"Gulat na tanong ko.

"Yes.And there's a possibility na natangay rin sila ng alon at nakalabas.May possibility na buhay pa sila at naanod sila sa isla.Alam kong kilala mo ang kaibigan mo Ivan."Sabi naman ni Dad.Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig ko pati na rin ang mga kaibigan ko at ang pinsan ni Cassy.

"R-really?!"Masayang ngunit umiiyak na sabi ni Ate Eliza.

"Sheeet! sinasabi ko na nga ba at makakaya ng mga gagong yun mabuhay eh,totoo nga talagang matagal mamatay ang masamang damo!"Natutuwang sambit ni Alexander.

"G*go!"Natatawang sigaw sa kanya ni Adrian.

"G-ganon naman pala eh! ano pang ginagawa natin dito?! libutin na natin ang mga isla na malapit dito hanggang mahanap natin sila."Sabi ko at lalabas na sana ng office nang pigilan ako ni Dad.

"Son,kaya na ng mga rescuer yun.Gawain nila yun,you don't need to go with them.All you need to do is wait hanggang sa mahanap sila."Sabi ni Dad kaya nakaramdam naman ako ng inis.

"You want me to wait?! Dad,alam mo ba kung anong sinasabi mo?! kaibigan ko na yung pinag-uusapan natin.Alam mong wala akong pinapalagpas kahit patayan pa yan,basta importante sa'kin."Sigaw ko kay dad.Hindi ko mapigilan eh.

"S-son! kilala mo ako! alam mong aya na ayaw ko sa lahat ay maging barumbado't basag ulo ka! pero nakinig ka ba sa'kin?! kaya kapag sinabi kong kaya na nila,kaya na nila yun! wag ka na namang gumawa ng ikapapahamak mo at ng pangalan ko!"Sigaw din ni Dad sa'kin kaya nagitla ako.

"Dad! what the heck?! ano namang ikakapahamak ko sa pagtulong sa paghahanap sa mga linktik na kaibigan ko?! wala naman,di ba? f*ck dad!"Sabi ko at tumalikod tsaka muling humarap sa kanya.

"Dad,malaki na ako.I have my own decisions.Please,dad. Ipaubaya mo na ito sa'kin,dahil ayokong mauwi pa ito sa pag aaway nating dalawa.May mga importanteng taong kailngan kong mahanap."Nagmamakaawang sambit ko.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now