CHAPTER 27:CASH REVELATION(Edited)

4.5K 101 6
                                    

Cash' POV

Nagising ako sa sinag ng araw...

Arghh! Sakit ng ulo at katawan ko...

Tang*na.Pakiramdam ko nabugbog ako ng sampung mga g*go.

Nang imulat ko ang mata ko dahan dahan akong umupo at may nahulog na bimpo mula sa ulo ko.

Luminga linga ako sa kwarto at nakita ko si Cassy na nakaupo sa isang kawayan na upuan habang nakacross arm at natutulog.

Pinagmasdan ko muna siya ng matagal...

Ngayon lang nangyari sa buhay ko.Ang matitigan ang taong MAHAL mo ng matagal at malapitan.

Oo,mahal ko siya.Mahal ko na siya.Matagal na...di niya pa ako kilala...At g*go pa ako noon kahit naman ngayon pero hindi na totally.Nabago lang ang pananaw ko nang dahil sa kanya.

Dati kasi nung di ko pa siya kilala.Siguro araw araw taena! Napapaaway ako yun na nga ata ang breakfast,lunch,dinner at lagyan mo pa ng midnight snacks.Puro away ang lagi kong ginagawa.Dun ko din nakilala sina Lukas at Edward...dahil sa away.

Sumunod naman na nakilala ko ay sina Alexander,Adrian at Ivan.

Nakilala ko sila dahil lang rin sa rambulan.Dun nabuo ang pagkakaibigan naming anim.Sumali rin kami sa frat at mga gang group.Ganon kami kag*go noon.Hanggang sa isang araw,sa BLACK PHOENIX nakilala naman namin ang matagal na pa lang kaibigan ni Edward sa gang group na ito.Yung rin ang time na sobrang nagalit si Edward dahil sa pagkawala ng kaibigan niyang yun.

Dahil dun nagkaroon ng gulo.Nagalit si Edward kaya naisipan na rin naming umalis sa grupo nila Trevor.

Yung time na yun rin nakilala ko si Angelica.Siya rin ang kauna unahang babae ang nakapagpatibok ng puso ko at nakapagpasakit sa puso ko.

Minahal ko siya ng buong puso pero yung buong yun,kalahati lang sa kanya ang natatanggap kong pagmamahal.Di ko pa nga alam kung totoo talaga yung kalahating pagmamahal na yun.

Ilang beses ko rin siyang nahuhuling may kasamang ibang lalaki.Bilang isang bad boy nga naman dapat bugbog sarado na sa akin yun o kulang pa mas pinatay ko pa yung kasama niya.

Kaso anong magagawa ko? Wala akong laban eh.Mahal ko yung tao.Siya yung kahinaan ko eh.

Dumating yung araw na dahil sa sobrang nasaktan ako.Pinili ko munang lumayo at magbakasyon sa ibang bansa.Pantanggal lang ng sama ng loob at sakit.

Naisipan kong mapag isa sana muna sa Australia pero di ko naman akalaing kapag sinabing mag isa pala,may kailangan pang sumama.Hindi nila naintindihan na kailangan kong mapag-isa at mag-isa lang dapat.

Dahil nga sa dakilang mga gunggong at kaibigan ko tong mga ito,sumama sila sa akin papuntang australia.Dun ko binuntong lahat ng sama ng loob ko sa taong mahal ko na si Angelica.

Nung time na yun.Ang sakit sakit talaga...

Bilang isang lalaki.Ayokong umiyak pero di ko mapigilan eh.Masakit talaga eh.Sobrang sakit.

"Problem? May problema ka?"Bigla na lang akong may narinig na boses ng isang babae.

Nanatili akong nakayuko sa mga tuhod ko.Hindi ko siya pinansin nang bigla niyang inabot ang panyo niya.Nanatili akong nakatingin dun at hindi nakatingin sa kanya.

"Heart broken?"Tanong pa niya.Nanatili akong nakayuko at bahagya akong natawa kasunod nun lumakas yung tawa ko pero medyo sarcastic.Alam na alam ah.Masyado ba akong halata?

"The people who laughed hard,are the people who experienced to much pain."Sabi niya kaya nilingon ko siya.Di niya naman mahahalata ang mukha ko dahil nakamask naman ako.Yung pang bibig lang.

Saglit pa akong nanatiling nakatingin sa kanya.Kung tutuusin maganda siya.Mukhang mabibihag lahat ng mga lalaki sa itsura niya.Maputi siya.May katangkaran din para sa isang babae.

"We all have one person who hurt us so much,that it changed us forever."Dagdag niya pa kaya naman mas lalo akong napatitig sa kanya.

"Do you think,I deserved this?"Tanong ko sa kanya.Umiling naman siya.

"Mmm...for me,I don't know but no one deserves to be hurt."Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nilagay dun ang panyo niya.Nginitian niya muna ako bago siya tuluyang umalis.

Bakit ganon? Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Bakit biglang nawala lahat ng nararamdaman kong sakit? Biglang gumaan yung dibdib ko.

Ang daming namuong tanong sa isipan ko.Nakalipas ng tatlong araw ko dito sa Australia ay di ko siya makalimutan.Kaya na pag isipan kong bumalik dun sa kung saan una ko siyang nakita.

Nag paulit ulit kong ginawa yun...

Hanggang isang araw.Ito na ang huling araw ko dito sa Australia.

"Sh*t.Saan ba kita hahanapin? Kailangan kitang makita para matahimik na itong utak ko.Lalo na itong puso ko."Sabi ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok ko.

"Pilipino ka pala.Di mo naman sinabi sa akin."Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dahan dahan kong iniangat ang paningin ko at nakita ko nga ang magandang mukha niya.

"Hi,we meet again.May sakit ka ba o may nakakahawang sakit ako? Kasi tuwing makikita kita lagi kang nakamask eh."Sabi niya at umupo sa tabi ko.Tang*na.Bakit ako kinakabahan?

Umiling muna ako pero hindi ko tinanggal ang mask ko dahil ayaw ko munang makilala niya ako.

"Kumusta ka na?"Tanong niya.

"A-ayos lang?"Patanong na sagot ko.Nautal pa talaga ako.

"Parang di ka pa sure ah."Sabi niya.Di naman ako umimik at nakikinig sa kanya.

"Hmm,masakit pa ba?"Tanong niya ulit.Taka akong lumingon sa kanya.

"What?"I asked.

"Ibig kong sabihin,yung puso mo.You should move on.Pero kung hindi mo pa naman kaya,why don't you give her another chance? Alam mo kasi,may mga babae talaga na hindi masabi ang mga reasons.Try to talk to her.Baka may other reasons siya kung bakit nasaktan ka niya ngayon? If not,just let her go."Sabi niya kaya nilingon ko siya.

"Hindi ko pa naman nasasabi sayo kung anong problema ko pero hulang hula mo."Natatawang kunyaring sabi ko.

"Hindi naman.That's the problem of every guys right? Hindi naman siguro kayo umiiyak ng dahil sa iba.Sabagay,ngayon lang din kasi ako nakakita ng lalaking iniiyakan ang babae dahil sabi nila,ang mga lalaki lang daw ang madalas magloko."Sabi niya.

Hindi ko magawang mainis sa kanya kahit medyo natatamaan ang ego ko dun.Magsasalita sana ako pero nagsalita siya.

"Don't get me wrong.Hindi ko naman sinasabing lahat ng lalaki ang nagloloko.Di ko pa naman kasi naranasang magkaboyfriend kaya hindi ko alam kung anong feeling ng masaktan pero kapag nakakakita ako ng taong nasasaktan ng dahil sa pag ibig,feeling ko nakakatakot tuloy na sumugal."Sabi niya.Nanatili akong nakatitig sa kanya at nakinig lang.

'bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.Feeling ko okay lang talaga ako.Nakakabading mang isipin pero parang kinikiliti ang puso ko kapag nakikita ko siya...tang*na.Nakakabading na.'

Feeling ko tuloy baka mahuhulog na ako sa kanya.

Pero hindi pwede kasi mahal ko si Angelica eh,mahal ko pa.Siguro.Walang hiya naman.Hindi ko mapigilan eh.

Napailing na lang ako sa kakaisip ko.

To Be continue

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now