CHAPTER 49

3.2K 88 26
                                    

CASSY'S POV

Kasalukuyan akong nasa kwarto nang biglang pumasok si Yaya Cherry.

"Yes po,yaya Cherry?"Takang tanong ko.

"Ma'am,may lalaki kasi na nakaabang sa may gate.Sabi niya kilala niyo daw siya eh."Sabi ni yaya Cherry.

"Huh? Sino naman po? Wala po kasi akong naaalala na may bisita ako ngayon?"Takang sabi ko.

"Naaalala ko pa yung batang iyon.Yung mukhang suplado na kasamahan ni sir Dale sa basketball ma'am."Si Yaya Cherry at pilit na inaalala ang ibang details.

"Don't tell me--"Agad akong tumingin sa terrace ko at tumingin sa baba.Agad na nanlaki ang mata ko nang makita si Edward.

"Ma'am yung matangkad na maputi na suplado lang ang naalala ko sa kanya eh."Si Yaya Cherry.

"Uhm...yaya si Ate Eliza?"Tanong ko muna.

"Ma'am mukhang pagod kanina.Nagpapahinga po siya sa kwarto niya."Sagot naman niya.

"A-ah,okay po.Ako na pong bahala dun sa kanya.Kasamahan nga po siya ni kuya.Ako na pong bahala.Lalabas na lang po ako."Sabi ko at mabilis na kinuha ang Jacket ko.

'Anong ginagawa ng bad spirit dito?!'

Mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay.

"Ma'am may tao sa labas."Baling sa akin ng guard.

"Uhm kuya,kaibigan po siya ng kuya ko.Ako na po ang kakausap sa kanya."Sabi ko.

"Ma'am samahan ko na po kayo."Sabi ng butler namin.

"No,it's fine...he's not a b-bad person."Sabi ko.Tumango naman sila at pinagbuksan ako ng gate.

Nakita ko naman siyang nakasandal sa side ng kotse niya at nakacross arm.Nang mapansin niya ang presensya ko ay nilingon niya ako at umayos ng tayo.

"Finally,lumabas din ang prinsesa."Sabi nito at umayos.Tinignan ko naman siya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito?"Takang tanong ko.

"Nandyan ba yung kapatid mo?"He asked at nilingon pa yung gate.

"Umalis siya kanina pa.May importante daw kasi siyang pupuntahan.Bakit?"Tugon ko.Bakit niya hinahanap si Kuya?

"I see,wrong timing.Sige na,aalis na ako."Sabi niya.Tatalikod pa lang sana siya pero nagsalita ako.

"Saglit lang."Pigil ko sa kanya.Taka niya naman akong nilingon.

"Oh? Ano na naman?"Takang tanong niya at humarap sa akin.

"Di ko alam kung sasabihin ko sayo ito o hindi kasi b-baka hindi ka interesado..."Sabi ko.

"Kung importante sabihin mo.Kung hindi,wala talaga akong interes dyan sa sasabihin mo."Sabi niya.Tumango naman ako.

"Tungkol saan ba? May importanteng pupuntahan pa ako kaya sabihin mo na."Dagdag niya at sumandal ulit sa kotse niya at tumingin sa akin.

"G-ganito kasi yun,actually hindi ko naman t-talaga ugaling makinig sa usapan ng iba.Sa totoo lang."Panimula ko.Tahimik naman siyang nakikinig sa akin.

"Kagabi kasi may kausap siya sa phone.Narinig ko kasing sinabihan niyang baliw yung kausap niya."Sabi ko.

"Natural lang sa kanya yun.Sa ugali ng kuya mo kahit anong itawag niya sa mga nakakasalamuha niya as long na mas mataas siya sa kanila gagawin niya ang gusto niyang gawin."Sabi naman ni Edward.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now