CHAPTER 54

2.5K 77 42
                                    

ABBY'S POV

"Nandito na tayo."Sabi ko kay Alexander.Itinigil niya naman ang kotse niya at nagpark.

"Bakit ba kasi gusto mong pumunta dito?"Inis na tanong niya.Masungit na nilingon ko naman siya.

"Sa tingin mo gusto ko? FYI,bilang manager niyo kahit gaano kadelikado gagawin ko! Akala niyo madali lang ginagawa ko."Sabi ko at inirapan siya.

"Pero ayos na ring sumama ako,at least hindi ako nakapagtraining ngayon."Sabi niya at isinandal ang likod ulo niya sa kamay niya.Napamaang naman ako.

"Whatever.Bahala ka sa buhay mo at papasok na ako sa Wilton.Bahala ka,dito ka na lang!"Singhal ko sa kanya at lumabas ng kotse niya.

"Hoy babae! Hintayin mo nga ako!"Sigaw ni Alexander sa akin pero di ko siya nilingon at nagtuloy na lang sa pagpasok ng University ng Wilton.

"Wow.Ang laki pala ng University na to."Manghang usal ko.Nasa tabi ko na pala si Alexander.

"Tss...bulok naman mga tao dito.Mga mayayabang lang."Inis na aniya.Inirapan ko naman siya.

"Alam mo ang sama ng ugali mo.Itikom mo na lang bibig mo,kung ano anong lumalabas sa bibig mo."Sabi ko sa kanya.Di niya naman ako nilingon pero nagmake face siya.Piningot ko naman ang tenga niya.

"What the hell,Abby!?"Reklamo niya.Binelatan ko naman siya.

"Aba,ang aga aga may naligaw na lovebirds dito sa University natin."Agad kaming napalingon sa gilid ni Alexander ng may magsalita.

"Oh? Bakit kayo nandito sa University namin? Anong kailangan ng mga hampaslupang katulad niyo dito sa University namin?"Mayabang na sabi niya na akala mo kagwapuhan,eh kasing laki naman siya ng water tank.

"Ano namang pakialam mo? Hindi naman ikaw ang ipinunta namin dito."Isa pang tanga itong si Alexander.Kapag talagang sinugod kami ng mga ito,di ko lang alam kung buhay pa kaming dalawa mamaya.

"Ha! Sinong may sabi na pwede mong yabangan ang boss namin?!"Singit ng isang lalaki.Sarkastiko namang natawa si Alexander.

"Boss niyo pala yang water tank na yan,kung umasta akala mo may walong pandesal sa katawan eh,mukha namang naglaklak lang ng alak yan eh."Dagdag pa ni Alexander kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilan.Sinabi ko ng itikom niya ang bibig niya eh!

"Tumigil ka na,Alexander.Mamamatay tayo ng maaga kung isa ka ring mayabang."Bulong ko sa kanya.Nilingon niya naman ako pero agad ding bumaling sa mga pangit na ito.

"Aba! Gusto mo bang mamatay ng maaga?!"Halatang galit na po si water tank! Anong gagawin ko? Ito kasing si Alexander,ginalit pa kasi eh!

"Ah,hindi po kami nagpunta dito para makipag-away sa inyo.Iba po pakay namin dito kaya kung pwede padaanin niyo na po k-kami."Nauutal na tugon ko.
Bumaling naman sila sa akin.

"Magandang binibini...napakasexy mo naman ngayon,bakit napunta ka pa dito sa hampaslupang lalaking to?! Sayang lang ang katawan mo kung hindi natitikman."Ngisi niya sa akin.Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo ko dahil sa galit.

'kapag katawan ko na ang pinagkadiskitaan....Aba!ibang usapan na yan!!'

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Kapag sinabi naming tumabi ka,tatabi ka.Kung matalino ka maiintindihan mo na wasak yang mukha mo kapag ininit mo ang ulo ko.Itong babaeng to, sa akin ito.Sino mang magtangkang galawin ito,buhay niyo ang gagalawin ko.Kaya tumabi tabi na kayo."Nabigla ako nang sabihin ni Alexander yun.Lalo na nang hawakan niyang mahigpit ang kamay ko.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now