CHAPTER 18(Edited)

4.8K 123 8
                                    

"Wala bang akong good luck dyan?"

Napalingon ako sa nagtanong nun.Si Ivan lang pala...pero ano daw? Good luck k-kiss?

"H-ha?"Halos magkandautal na tanong ko sa kanya.

"Sabi ko,wala ba akong good luck kiss sa iyo?"Nakangiting pa ring sabi niya.

"A-ano--"Di ako makapagsalita! Ano ba kasing sinasabi nito? Nag iinit na ata mga pisngi ko!

'Anong gagawin ko?!'

"Hahaha,I'm just kidding--pero seryoso,kailangan ko lang ng pampalakas ng loob galing sa'yo. Pampagana lang hehe."Sabi pa ni Ivan.

Ghad,take me na! Bakit lagi na lang nakakakilig mga sinasabi ng mga ito?

"A-ah,hehe...sige,good luck sa inyo ah."Sabi ko at itinaas ang isang kamay ko para makipag-apir sa kanya.

Lumapad naman ang ngiti niya at nakipag apir sa akin.Matagal niya pang hinawakan ang kamay ko at ngumiti siya ng malawak.

"Yes,thank you,Cassy! Mukhang nawala na yung kaba ko,haha!"Ang sigla niya.May patalon talon pa siyang nalalaman...haha!

"Hoy,Ivan! Halika na nga dito,magsisimula na yung game!"Yan na naman ang sigaw ni Edward...TCH!

"Andyan na! Papunta na ako!"Sigaw niya at kumaway pa muna siya sa'kin at pumunta na sa court.

Lumingon lingon naman ako sa mga nanonood mukhang gulat na gulat sila sa ginawa ni Ivan sa akin kanina ng mag-apir kami tapos ang iba naman ang mga tingin nila at yung iba nakangiti sa akin.Haysst. Hinayaan ko na lang.

Ang first five ay sina Edward,Ivan,Adrian, Alexander at Cash.


EDWARD'S POV

Kami ang first five na maglalaro...

POINT GUARD- Cash Anthony #7

SHOOTING GUARD- Edward Wilson #4

CENTER- Adrian Reyes #13

POWER FORWARD- Ivan Anderson #11

SMALL FORWARD- Alexander Aragon #10

SAINT PAUL UNIVERSITY

POINT GUARD- LORENZ MONTEREAL#7

SHOOTING GUARD- CHARLES PASCUA#4

CENTER- DENZEL ROCO#13

POWER FORWARD- GIAN LINCON#11

SMALL FORWARD- PAUL MILLER#10

*JUMPBALL*

Si Adrian ang jumpball namin.Maya maya pa ay pumito na ang referee at inihagis na pataas ng referee ang bola.Nagsimula ng tumalon si Adrian at yung kalaban namin.Agad na natapik ni Adrian ang bola kaya na sa amin ngayon ang bola.Magaling talaga tong ugok na to kahit kailan,agad na pinasa ni Adrian kay Cash ang bola.

Hawak ni Cash ngayon ang bola,patuloy siya sa pagdi-dribble ng bola at hinahanap kung saan niya ito ipapasa dahil naharangan siya ng dalawang ugok na kalaban namin.

Nabigla na lang ako nang bigla siyang lumusot sa pagitan ng dalawang nakabantay sa kanya tapos nasa three point area siya at...Shoot ng g*go! Bilib rin naman ako sa ungas na to eh!

Nasa kalaban na ang bola.Nakatapat ko ang Center nila.Nakangisi siya sa akin.Tang*na! Anong itinitingin tingin mo dyan g*go?!

"Hoy,pre...ang gaganda ng mga babae sa bench niyo ah.May nakwarto ka na bang isa dyan? Ano,masarap ba? Patikimin mo naman ako ng isa dyan sa manager niyo."Ngisi ng g*go.Loko pala ito eh! Inagaw niya ang bola sa akin.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now