CHAPTER 66

296 13 5
                                    

EDWARD'S POV

"May napansin akong dumaan na babae kanina palapit sa room niyo.Sino yun?"Tanong ni Ivan habang naglalakad kami papuntang canteen.

Nagkatinginan pa kaming lima sa tanong ni Ivan.Obvious naman na di niya napansin dahil nakatapat sa room namin yung Angelica na yun.

"Mamaya na natin pag usapan."Sabi ni Lukas kay Ivan.

"Sige,sabi mo eh."Sagot naman ni Ivan sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng walang imikan hanggang sa makarating kami sa canteen.Nakita naming nakapila na si Nicola at Cassy.Pumila na rin sa sila Ivan at nagpunta kami sa table namin nila Cash.

"Ano nga palang pinag usapan niyo?"Biglang tanong ni Lukas kay Cash.Nilingon naman siya nito.

"Nothing much...it's not important."Malumanay na sagot ni Cash.

"Nothing much pero mukhang balisa ka."Sabi naman ni Lukas ulit.Tinignan naman siya ng masama ni Cash.

"Ako na ang bahala kung ano man yun,hindi niyo na kailangang isipin pa ang pinag usapan namin.Hindi naman importante yun."Dagdag pa ni Cash.Halatang iritable na.

"Then why are you acting like that? I was just asking because I'm worried about Cassy."Seryosong sabi ni Lukas.Taka naman siyang nilingon ni Cash.

"Walang kinalaman si Cassy dito."Maikling sagot ni Cash.

"Wala ba? Don't you have feelings for her?"Tanong ko sa kanya.

"Anong gusto mong palabasin?"Inis na tanong niya.

"Wala naman,tinatanong ko lang sa'yo.Maraming gustong pormahan yung Loser na babae na yun at kapag di ka pa gumalaw galaw dyan then I'll make her fall for me instead."Sabi ko.Bigla niya nalang hinila ang kwelyo ko at galit na tinignan.

"Don't you dare make a move,Edward...I'll kill you."Galit na sabi niya kaya nginisian ko siya.

"Torpe ka lang,dumbass."Nakangising sabi ko.Nakatingin pa rin siya ng masama sa akin habang nakahawak pa rin sa kwelyo ko.

"Tumigil na nga kayo."Awat ni Lukas sa amin.Tinignan ko siya at dinuro pa.

"Leche,isa ka pa Lukas.Torpe ka rin."Maikling sabi ko sa kanya.He looks at me with confused expression.

"Bakit ako nasali sa usapan?!"Inis na sabi niya.

"You have feelings for someone,right? Hindi mo lang maamin sa sarili mo dahil torpe ka rin."Sabi ko sa kanya.

"What the hell are you trying say?!"Halata na ang galit sa boses ni Lukas.He's acting like that because he knows I'm telling the truth.

"Then,why are you reacting like that?"Nakangising tanong ko sa kanya.

"Because you're saying nonsense."Inis na sabi ni Lukas.

"Oii,anong sinisigaw mo dyan,Lukas?"Biglang tanong ni Ivan na kararating lang kasama nila Cassy na may dala pang mga tray na puno ng pagkain.

"N-nothing..."Maikling sagot ni Lukas at nag iwas ng tingin.

"Oh,kwento na...sino nga yung babae sa tapat ng room niyo?"Panimulang tanong ni Ivan.

"Ah,yung babae ba na nasa tapat ng room?"Tanong din ni Cassy.Isa pa itong chismosa.

Nagkatinginan sila Lukas at Cash nang itanong yun ni Cassy.Mukhang kinabahan si Cash ng sabihin ni Cassy ang mga yun.

"Bakit? Kilala mo,Cassy?"Tanong ni Ivan sa kanya.Umiling naman si Cassy.

"Mamaya na ang kwentuhan,gutom na ako."Sabi ko at kumuha ng pagkain.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now