CHAPTER 59

536 25 9
                                    

LUKAS POV

Tahimik siyang nakatingin sa bintana habang nasa biyahe kami.Napaisip naman ako sa nangyari kanina.Magkapatid sila pero ang laki ng pagkakaiba nila ng ugali.I want to ask her pero ewan ko kung ayos lang sa kanya.Hindi ako mapakali kaya itatanong ko na lang.

"Nicole,pwede ba akong magtanong?"I asked habang nakatingin pa rin ng diretso sa daan.Hindi ako nakatingin sa kanya pero naramdaman ko naman ang paglingon niya sa akin.

"O-oo naman,ano yun?"Tanong niya sa akin.Umubo muna ako saglit bago magtanong.

"Hindi naman sa nangingialam ako ah,napansin ko lang na parang ang layo ng ugali niyo ng kapatid mo."Sabi ko.Hindi siya umimik kaya nilingon ko siya saglit.

"Ah,hindi naman...ano kasi eh...parang..." Nagdadalawang isip pa na sabi niya.Masyado ba akong matanong?

"You don't need to force yourself to tell me,okay lang kung hindi mo pwedeng sabihin,I understand."Sabi ko para hindi naman siya mahirapan.

"H-hindi naman sa ganun...parang hindi niya ako gusto? parang ganun?"Patanong na sagot niya.Saktong tumigil kami sa stop light kaya tinignan ko siya.

"Hindi ka niya gusto? Bakit mo naman nasabi yun? You're her sister,hindi ba dapat close kayong dalawa?"I said.Pilit ang ngiting ibinigay niya sa akin bago nagkibit balikat.

"You can talk to me.You can tell me your problem.Handa naman akong makinig."Sabi ko.Ewan ko pero parang gusto ko lang na sabihin niya sa akin kung anong problema niya,mabawasan lang kahit konti yung problema niya.

"G-green light na."Pag iiba niya ng topic.I think she doesn't want me to hear it.

Pinaandar ko na ang kotse hanggang sa makarating kami sa lugar na madalas kong puntahan kapag gusto ko ng PEACEFUL AND QUIET place.

Tahimik kaming bumaba sa kotse.Pumunta ako sa kabilang side para pagbuksan siya ng pintuan ng kotse.Nginitian niya naman ako bago siya lumabas ng kotse.Tahimik siyang naglalakad kasabay ko.Tila hangin na lang ang naririnig namin sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.She looks so sad.I heard her sighed....

"Lukas..."Napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko.Humarap naman siya sa akin.Tahimik niya muna akong tinignan.I looked at her too.Wala lang,I just can't help but to look at her.Napansin ko rin ang paghangin ng buhok niya na agad niyang inipit sa likod ng tenga niya.

"Wag ka ng mauutal kapag kinakausap mo ako.You don't need to feel uncomfortable with me." Natatawang sabi ko para mawala yung awkwardness sa pagitan naming dalawa.Napansin ko naman ang pagtawa niya.

"Sige..."Natatawang sabi niya.Hinawi niya ulit ang hinahangin na buhok niya na tumatama sa may pisngi niya.

"Gusto mo bang magkwento?"I asked.Tinignan niya naman ako.

"Don't worry about it,tsaka kailangan pa nating i-review yung isang subject mo."Sabi niya sa akin.

"Forget about it for now,kaya ko naman yun and besides magaling ka naman magturo kaya mabilis lang tayong makakapagreview."Sabi ko sa kanya.

"Sir Lukas.Welcome back."Napalingon kami sa matandang babaeng nagsalita sa likuran namin.

"Hi,manang...can we get something to eat? Yung nakakatanggal stress."Biro ko pa kay manang na ikinatawa nito.Maya maya ay napansin niya si Nicole na kasama ko.

"Uhm...hello po,manang."Medyo nahihiyang sabi ni Nicole.Nginitian muna siya ni manang bago magsalita.

"Naku,napakaganda mo naman,hija.Ang galing talagang pumili ng kasintahan nitong si Lukas.Ikaw pa lang kasi ang kauna unahang babaeng dinala niya dito.Ayaw niya kasing may ibang kasama siya at sinabi niya sa aking ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya ang gusto niyang isama dito.Naku,sir Lukas,nahanap mo na pala ang babaeng para sa'yo.Pag ibig nga naman."Sabi ni manang na ikinatigil ko.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now