CHAPTER 35(Edited)

4.3K 184 11
                                    

Edward's POV

"Hoyy! Magsilabas kayo sa lungga niyo!"Nang gagalaiting sigaw ko.

Bumalik ako dito sa abandonadong gusali na to kung saan laging nagtatago at tinatambayan nila Trevor at Greg.

Nagulat na lang ako at naalerto nang biglang may bumukas na malaking VCR at namuo ang galit ko ng makita kung sino ang nakita ko.

"Oh,Edward,siguradong nakaligtas ka kaya ipinahanda ko na ito dati para makausap ka.."Halos nakangising sabi ni Trevor sabay hithit ng sigarilyo niya.

"Nagustuhan mo ba ang engrandeng pasabog na sorpresa ko sa'yo.Nakaligtas ba yung nadamay na driver ng bus niyo?"dagdag niya pa na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"G*go ka! Nandamay ka pa talaga ng iba at pati inosenteng mantandang driver ay pinatay mo pa!" Nanggigigil na sigaw ko habang nakatingin sa VCR.

"Hahahaha! Kailan ka pa natutong maawa sa mga inosenteng tao?!" Sarkastikong angil niya.

Tinignan ko naman siya ng masama mula dito.

"Sinabi ko naman sa'yo dati di ba? Bago ka gumawa ng hakbang mo.Siguraduhin mong mapapanindigan mo lahat ng sinabi mo.Pero ano? G*go,wala kang pakialam!"Malakas na sigaw niya.

Tch! Hindi ko alam na tototohanin niya pala lahat ng sinabi niya!

*FLASHBACK*

"Anong sabi mo?!"Malakas na sigaw niya.

"Aalis na ako sa grupong ito.I have no reasons to stay here anymore.Hindi ako pumapatay ng tao. Nagnanakaw at nambubugbog,I can do that kasi utos yun sa akin pero,ang pumatay? Hindi naman ako ganon kasama."Galit na sabi ko rin sa kanya.

"Ang grupong ito ay hindi binuo para lang sa mga taong katulad mo na hindi kayang pumatay.Tinanggap kita dito,Edward! At may gana kang traydorin ako? Sino sa tingin mo ang niloloko mo ngayon?!"Galit na ang tono ng pananalita niya at lumapit pa sa akin.

"I told you before,Edward.Hindi ako magandang kalaban.Kung sigurado kang aalis ka ngayon dito sa grupo na ito.Siguraduhin mong mapapanindigan mo. Hindi ako yung tipong tao na pinapalagpas lahat ng trumatraydor sa akin,kaya pagsisisihan mong umalis ka pa dito sa grupo ko.Wag ka ng gumaya pa sa mga kaibigan mo."Bulong niya sa mismong tenga ko bago siya lumayo at ipinagpag ang magkabilang balikat ko.

Tinalikuran niya ako at akmang aalis na sa harapan ko pero agad akong nagsalita para awtomatikong mapatigil siya.

"Hindi ako natatakot sa'yo,Trevor.Hindi ko pagsisisihang umalis ako sa grupong ito dahil lahat ng taong nandito buong utak kriminal na nga,demonyo pa."Tugon ko at tinalikuran rin siya.

"May namumuo pa ring katiting na kabutihan at konsensya sa akin at mas lalong hindi ako pumapatay ng taong inosente dahil ang dapat na mga pinapatay ang mga tulad mong kampon ni Satanas."Galit na sabi ko at saka umalis na.

Dun ko nakilala si Greg.Sumali naman ako sa grupo nila,at yun nga ang tinatawag nilang BLACK PHOENIX GANG.Pero taena! Kagaya rin pala ni Trevor!

Hindi naman sa pumapatay sila ng tao.Mga demonyo ang naman ang pinapatay nila.Yung kagaya nilang mga gang rin.Ako naman,tagakuha lang ng ransom, shabu,marijuana pero hindi ako gumagamit.Mga mahihilig sila sa pera.

Dun ko rin nakilala yung isa sa mga kasamahan ko din dito sa Black Phoenix.Naging matalik kaming magkaibigan,dati rin siya sa grupo ni Trevor pero umalis din.Dahil kami ang laging magkasama sa kalokohan ay naging magkaibigan kami.Pero isang araw...

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now