CHAPTER 23(Edited)

4.4K 109 11
                                    

Someone's POV

Naglalakad ako sa tabing dagat nang biglang
may mapansin akong apat na taong nakahiga sa may tabing dagat na inaanod pa.

Agad akong tumakbo papunta dun...

Yung isang lalaki ay ginising ko kaagad.

"Kuya! Kuya! Gumising ka! Inaanod kayo!"Sigaw ko at tinatapik ang mukha niya.

Maya maya lang...

*Ubo*Ubo*Ubo*Ubo*

"Kuya! mabuti at nagising ka na! akala ko patay ka na eh."Sabi ko sa.kanya.Di niya naman ako pinansin at nilibot at paningin niya sa paligid...

"Edward!!!"Sigaw niya.Agad siya tumakbo dun at may ginawa dun sa lalaki.Parang inano yung dibdib niya...

Ano bang tawag dun...CP...CP...CPU ba yon?!Ah! Basta yun na yon!!Basta CP!

Maya maya nagising na yung lalaki.

*Ubo*Ubo*

"Argh!! where are we?"Tanong niya.Ano daw?!
English ba yon?

"Mamaya ko na sasagutin yang tanong na yan dahil kahit ako ay hindi rin alam kung nasan ba tayo."Sabi naman ni Kuyang nauna.

Haysst.Di ko maintindihan yung pinagsasabi nila!Di pa ako marunong mag english.

Cassy's POV

*Ubo*Ubo*Ubo*

"Cassy! You're awake! Pinag alala mo ako!"Sabi ni Lukas at niyakap ako.Ang sakit ng katawan ko.Tinulungan ako ni Lukas tumayo.

Pagkatayo ko nakita kong ginigising ni Edward si Cash pero hindi pa rin siya nagigising.Lumapit naman ako sa kanila.

"Edward,marunong ka bang mag-CPR?"Tanong ko naman.Sinupladuhan niya muna ako ng tingin at tumayo.

"Gisingin niyo yang lokong yan.Malalagot yan sa'kin kapag hindi pa nagising yan.Kanina ko pa ginigising wala pa ring kibo."Aniya ng hindi nakatingin sa'kin.Halata ang pag aalala sa kanya.

"Cassy,dito ka lang muna.Bantayan mo si Cash."Sabi sa'kin ni Lukas.Tumango naman ako.

"Maghahanap lang ako ng pwedeng taong magpaghingan ng tulong dito."Dagdag niya kaya tumango naman ako.

"Mga kuya,baka gusto niyong humingi ng tulong sa'kin."May isang batang lalaki ang nandito sa harapan namin.

"Ikaw yung batang nagligtas sa'kin.Thank you so much but can you help us?"Tanong niya sa bata.

"Ah,eh hahaha...kung sinasabi niyo pong salamat sa'kin,aba'y walang anuman po.Ayos lang naman po iyon."Sabi ng bata.

"Kung ganun po,dadalhin ko na lang po muna kayo sa bahay namin.Nandun po kasi ang nanay ko baka makatulong po sa inyo."Sabi pa ng bata.

"Sige,sasama muna ako sa bata para makahingi ng tulong."Sabi ni Lukas at tumingin sa'kin.

"Ako na ang bahala sa kanya.Wag kang mag alala."Sabi ko kay Lukas.

"Sasama ako sa'yo,Lukas."Sabi naman ni Edward.Tumango naman si Lukas at nagsimula na silang umalis.

Ako naman ay ginawa ang CPR...

"1...2...3...1...2...3"Bilang ko habang tinutulak yung dibdib niya.Di ko maexplain basta sini-CPR ko siya.

Kailangan kong gawin ito...

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at saka hinawakan ang ilong niya at ang baba tsaka ko inilapat ang labi ko sa labi niya.Walang malisya dito dahil kasama talaga sa CPR ang ganito.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now