CHAPTER 56

3.2K 110 80
                                    

CASSY'S POV

Natapos na ang afternoon class namin at uwian na kaya agad na kaming dederetso sa gym para pag usapan ang tungkol sa practice game at sa mga exams na rin.

"Sinasabi ko na nga ba't isa kayo sa mga may failing subjects eh."Sabi ni Daniel.

"Mas nagulat naman ako na pati si Cash at Lukas ay may failing subjects.Alam kong mga basagulero tong mga to pero hindi nila pinapabayaan ang mga grado nila kaya nakakagulat lang."Sabi naman ni Josh na sinang ayunan ni Jake.

"Akala ko totoo na yung sinabi nilang dalawa ni Lukas na wala silang problema sa mga nila,yun pala may bagsak din sila."Natatawang sabi ni James.

"Shut up."Sabay na sabi ni Lukas at Cash.

"Bakit nagugulat kayo kung may failing grade man silang dalawa? Ako nga meron rin eh."Nakisali naman si Alexander sa usapan.

"PSH! Bakit pa kami magugulat kung may failing subject ka man,lagi ka namang bagsak dahil tarantado ka,duh."Sabi sa kanya ni Abby na ikinatawa namin.

"W-what?! Kinakampihan mo pa sila kesa sa boyfriend mo!? Ako to Abby! BOYFRIEND mo."Turo niya pa sa sarili niya.Gulat namang nabaling ang atensyon nila Daniel sa kanya.

"Kayo na!? Weh,impossible dude!"Natatawang sabi ni Jake.Inambangan naman siya ng suntok ni Alexander.

"D-di ko pa siya boyfriend! Kung ano anong sinasabi mo dyan,Alexander!"Namumulang sagot ni Abby.

"Wooshoo! Pabebe pa!"Biro sa kanya ni Ivan.Inirapan naman siya ni Abby.

"Nakakatawa pala sila."Natatawang sabi ni Nicole.Bumaling naman ako sa kanya.

"Yeah,lalo na kapag matagal mo silang nakakasama.Tuwing break time lang kasi tayo buong magkakasama at hindi naman tayo nagkikibuan kapag class time."Usal ko.Tumango naman siya.

"Siya nga pala,Cassy.Saan niyo balak mag-aral ni Lukas? I mean di ba siya yung kailangan mong t-tutukan ngayon?"Sabi naman ni Nicole.

"Di ko pa sure eh...hindi ko pa kasi siya nakakausap tungkol dun."Sabi ko naman.

"A-ah,ganon ba."Sabi niya.Ang weird niya.Alam ko naman na may paghanga siya kay Lukas---oh wait.

"Bakit mo nga pala naitanong?"I asked.Parang naiilang naman siyang tumingin sa akin.

"A-actually,si Cash kasi eh,gusto niya na ikaw ang magtutor sa kanya pansamantala lang naman daw." Nahihiyang sabi niya sa akin.

"P-pero..."Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita si Lukas na nasa tabi ko na pala.

"It's okay Cassy,kung ayos lang kay Nicole na siya muna ang bahala sa akin."Sabi niya at nakangiting bumaling kay Nicole.

"A-ah...a-ayos lang naman,k-kung ayos lang sa'yo na a-ako ang mag--"

"Ayos na ayos lang."Nakangiting sabi pa ni Lukas na ikinapula ng mukha ni Nicole.

"M-mmm,thanks."Nahihiyang aniya.

"Kuya Edward!!!"Napalingon kami sa entrance ng gym nang sumisigaw na pumasok si Princess,hindi siya masaya kundi natatakot kaya kinabahan ako bigla.

"Princess...bakit mag isa ka lang?!"Gulat na tanong ni Edward.Biglang umiyak si Princess.

"S-si Kuya Dale...sabi niya sa akin na tumakbo ako dito sa loob ng campus dahil baka mapano daw ako dun.Ang daming bad guys dun,kuya! Please,help kuya Dale,baka kung anong mangyari sa kanya!"Nag aalala at umiiyak na sabi ni Princess.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now