CHAPTER 52

2.9K 147 41
                                    

CASSY'S POV

Nagpapahinga na ako sa kwarto ko ng makauwi kami ni Kuya sa mansion galing sa School at uminom na rin ng gamot kaya kahit papano ay ayos na ako.Thank God at diet ako kundi baka malala to.

Di ko makalimutan yung itsura ni Kuya ng sabihin ko sakanya ang tungkol dito.

"Cash..."Bigla kong nasabi ang name niya kaya pati ako nabigla rin.

*Tak!!*

Nabigla ako ng may tumama sa window ng kwarto ko.

"A-ano yun?"Takang tanong ko at daan dahang naglakad papalapit sa bintana para sumilip.Nagulat na lang ako kung sino ang nakita ko sa baba mula sa labas ng bintana ko.

"A-anong ginagawa mo dito?!"Pasigaw na bulong ko.Bakit nandito si Edward?!

Di siya nagsalita at sumenyas na bumaba ako.Bakit naman niya ako papababain?

"Bakit?"I asked again.Di na naman siya umimik at taas kilay niya lang akong tinignan.

"Fine...tsk!"Sabi ko sa sarili ko at lumabas muna ng kwarto ko bago ako bumaba.

"Yaya Cherry,saan si Kuya?"Tanong ko ng makababa ako.Bumaling naman siya sa akin.

"Nagpapahinga siya sa kwarto niya.Ma'am Cassy,ayos na po ba kayo?"Nag aalalang sabi ni Yaya Cherry.

"Mmm...magpapahangin lang po ako saglit sa labas."Sabi ko.

"Sige po,ma'am."Aniya at bumalik na sa ginagawa niya.Ako naman ay lumabas na.

Pinagbuksan naman ako ng guard ng gate bago ako lumabas.

"Ano bang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"Takang tanong ko nang makita ko siyang nasa gilid ng gate namin.

"Not really,I just heard kung anong nangyari sa'yo sa school kani-kanina lang."Walang ganang sabi niya habang nakacross arm at hindi nakatingin sa akin.

"Ano na naman? Tatawagin mo kong stupid or something dahil sa nangyari sa akin?"Medyo inis na sabi ko.Alam kong nandito na naman siya dahil narinig niya na may nangyari sa akin...and worst is that about sa sakit ng tyan pa yun.Paniguradong aasarin na naman ako nito.

"Yeah,you are really stupid and I know that,but I heard food poisoning ang nangyari sa'yo.How are you?"Direktang tanong niya.Nabigla naman ako.Siguro ito ata yung unang pagkakataon ng kinamusta niya ako at seryoso.

"Y-you know what,you're so weird.Ang creepy..."Sabi ko at binigyan ko siya ng kunyaring natatakot na tingin.Masamang masama ang tingin niya naman akong nilingon.Kunyaring umubo naman ako.

"M-medyo ayos na...pero kasi ang weird mo ngayon.Akalain mo nangangamusta ka pala.Hindi ko kasi alam."I said.Maasar ka sana...please.

"Oh,shut up,stupid.May maling pakiramdam lang ako sa mga ganitong bagay na nangyayari."Seryosong aniya at napahawak sa baba niya at parang nag iisip.

"May hinala lang ako na hindi ito accident.It's intentional.Sinasadya nila ang lahat ng ito."Seryosong sabi niya.

'Sinasadya nga talaga...'

"P-pero sino naman ang gagawa sa akin nito.Never akong nakagawa ng kasalanan sa iba.Wala naman akong kaaway.A-alam mo naman siguro yun."Sabi ko pa.Si Edward lang naman kaaway ko lagi.

"Wala kang kaaway dahil hindi mo sila tinuring na kaaway pero sa kanila kaaway ka nila.Naiintindihan mo?"Aniya at inayos ang jacket niya.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now