CHAPTER 62

395 24 3
                                    

EDWARD'S POV

"Hoy,wala akong pakialam kung masakit yang katawan mo o pagod ka.Gumising ka dyan."Tsk.Kitang natutulog yung tao manggigising pa.

Napamulat ako ng mata pumasok sa isip kong si J.D pa itong kasama ko.Nakatayo siya sa gilid ng pintuan ko habang nakabukas ang pinto ng kotse.Galit itong nakatingin sa akin.What the hell? Anong ginawa kong mali at ganito tumingin ito sa akin.

"Ano? Wala kang balak na bumaba ng kotse ko?"He asked,irritated.Napasinghal na lang ako tsaka bumaba ng sasakyan niya.

Pagkababa ko ay nagtaka ako nang nasa tapat ako ng mansion nila.Anong ginagawa namin sa mansion nila? Hindi naman ako dito nakatira.Hindi niya ako pinansin at dumiretsong pumasok ng gate.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit dito mo ako dinala?"Tanong ko pa.Hindi niya ako sinagot at patalikod na tinignan ako tsaka pumasok sa loob.

Wala akong choice kundi pumasok na rin sa loob.Tsk. Kung hindi lang talaga ako bugbog dahil sa ginawa niya ay aalis ako dito.Maya maya ay napansin ko rin ang kotse ko sa may garahe nila.

"Magandang gabi po sir."Bati sa kanya nung dalawang guard.Tumango lang ito.Napansin ko din na nandito pa ang kotse nila Cash.Sila kaya yung kumuha ng kotse ko?

Pagdating namin sa may pintuan nila ay bumungad na sa amin ang butler nila.Walang imik na nakapasok kami sa loob.Nang makarating kami sa sala ay bumungad sa amin sila Cassy at yung dalawa pang babae na sila Abby at Nicole.Napatayo agad si Cassy nang makita kami.

"Kuya,ayos ka lang----Edward?! Saan ka nanggaling?!"Nagulat ako nang biglang magalit sa akin si Cassy.Isa pa ito,ano bang problema ng magkapatid na ito?!

"A-ah...sorry,wala ka kasi kanina.N-nag alala lang kami sa'yo."Parang natauhan siya sa ginawa niya at napapahiyang tumingin sa akin.

"Oh? Grabe ka,Edward! Alam mo bang pinag alala mo kami!"Sabi naman ni Abby at pinalo pa ako sa braso.

"Mamaya na yan.Mauna na kayo sa dining area,mauna na kayong kumain.Nasaan yung mga ungas?"Tanong ni J.D kay Abby.

"N-nasa may court niyo..."Tila naiilang na sagot ni Abby.Tinanguan naman siya ni J.D

"Mauna na kayo sa dining area at kumain na kayo.May kailangan pa kaming pag usapan ng team."Seryosong sabi nito.

"Kuya,magpapadala na lang ako kay Yaya Cherry ng pagkain niyo sa court."Sabi ni Cassy.

"Okay,thank you."Sabi ni J.D.Tinignan niya naman ako na parang sinasabing sumama ako sa kanya.

Dumiretso na kami sa court area nila.Nakita ko pang naglalaro yung lima ng basketball.Nang mapansin nila ang presensya namin ay dali dali silang lumapit.

"Edward,leche.Saan ka nanggaling?!"Tanong agad ni Adrian nang makalapit sa amin.Sasagot pa lang sana ako nang may sumunod na tanong na naman.

"Bro,anong nangyari sa'yo?! Alalang alala kami sa'yo! Bakit hindi ka nagsasabi kung saan ka pupunta?!"Si Ivan naman.

"Pwede bang magsitigil muna kayo."Inis na sagot ni J.D

"Teka,anong nangyari sa mukha mo? Nabangasan ka? Bago yan ah."Sabi ni Alexander sa akin.Inis ko naman siyang nilingon.Kung alam niyo lang kung sinong may gawa nito.Tsk.

"Tsk!"Napalingon kami sa malakas na singhal ni J.D. Yung kuya ni Cassy the loser.Mukhang may iniisip na malalim ang g*go.

"Leche.Magsiuwi kaya muna kayo? Naalibadbaran ako sa pagmumukha niyo."Iritableng sabi ni J.D

"Teka,makasabi naman ng naaalibadbaran.Problema mo?"Tanong ni Ivan sa kanya.

"Wala,wala.Magbasketball na lang muna kayo hanggang mapagod.Gawin niyo lahat ng sinabi ko sa inyo na kailangan niyong ayusin."Sabi niya at umupo.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now