CHAPTER 68

395 11 119
                                    

CASSY'S POV

Sinamahan ko si Nicole magrestroom nang matapos kami may napansin akong babae na umiiyak sa gilid habang nakaupo at parang may hinihintay.

She looks familiar,siya ba yung nasa tapat ng room namin kanina.She looks sad.Nabigla ako nang mapansin niya ako.

"She's looking at you."Bulong ni Nicole.

"Teka lang ah...puntahan ko lang.Mauna ka na sa room."Sabi ko.Tumango naman siya bago ako pumunta sa babae.

"Uhh,hi?"Nahihiyang sabi ko.Mabilis siyang nagpunas ng luha at pilit na ngumiti.

"May problema ka ba? Ikaw din kasi yung babae sa tapat ng room namin kanina eh."Sabi ko.Medyo nabigla pa siya pero agad din siyang umayos.

"Pasensya ka na kung nakikita mo kong ganito ah.May tao lang kasing kailangan kong bumalik sa akin."Sabi niya habang pilit na ngumiti.

"Hmm,lalaki yan no?"Medyo pang aasar ko.

"Sabihin na nating oo...lalaki siya,matagal kong mahal pero di ko naparamdam sa kanya yun dahil napagod at sumuko na ako."Sabi niya.

"Then,hindi yun love."Seryosong sabi ko.Kumunot naman ang noo niya.

"And what do you mean by that?"She asked.

"I mean,hindi mo pa napaparamdam sa kanya na mahal mo siya tapos napagod ka na.You easily gave him up,hindi na love the moment na sumuko ka na agad sa kanya."Sabi ko sa kanya.

"No! I love him! Napagod at sumuko ako,yes pero mahal ko siya!"She looks irritated to what I said.

"Kung mahal mo ang isang tao,hindi mo siya isusuko ng ganon ganon lang."Sabi ko naman.Nabigla ako nang tumayo siya at masamang tumingin sa akin.

"Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?!"Sigaw niya sa akin.

"H-hey,calm down..."Sabi ko at pilit na pinapakalma siya.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko,so don't you ever say something!"Sigaw niya pero nagulat ako nang biglang may humila ng braso niya kaya napaatras siya palayo sa akin.

"Edward--"Banggit ko ng pangalan niya pero binigyan niya lang ako ng killing glare.

"Don't go near her."Sabi ni Edward sa babae.

"E-Edward... where's Ca--"Edward cut her words.

"Shut up,bitch...don't ever think of going near her or my best friends."Galit na sabi ni Edward sa babae.

"E-Edward,ano bang problema?"Tanong ko kay Edward pero hinila niya lang ang kamay ko at hinila ako palayo sa babae.

Tahimik lang si Edward pero kita ko ang kunot na noo niya at mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.Teka,napapagod ako.Ang bilis niya maglakad.

"Edward,ang bilis mo maglakad."Sabi ko sa kanya.

"Bakit ba kung saan saan ka nagpupunta?! Kung di ko pa nadaanan si Nicole di pa kita makikita."Inis na sabi niya.

"Nagbanyo lang naman ako--"

"Banyo mo,mukha mo.Nakipagchismisan ka pa sa hindi mo kilala!"Sigaw niya sa akin.

"Bakit ba?! Umiiyak yung tao kinomfort ko lang,malay ko ba na magagalit sa akin."Sabi ko.Tumigil naman siya sa paglalakad.

"Ha? Inaway ka nun?"Taas kilay na tanong niya.

"E-eh...nagtanong lang ako tapos nagkwento siya ng onti then nagalit siya--"Sabi ko pero biglang nag u-turn si Edward pabalik sa kanina kung saan kami galing.

"H-hoy! Teka lang,mang aaway ka na naman!"Sigaw ko at mabilis siyang hinawakan sa braso at hinila.

"Manununtok ako!"Sabi niya kaya mas lalong nanlaki ang mata ko at hinawakan siya lalo ng mahigpit sa braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now