CHAPTER 14(Edited)

5K 130 0
                                    

Cassy's POV

Dismissal na at natapos na rin kaming kumain sa canteen dahil sa tinawag na rin sila ni Edward kanina. Masyado siyang seryoso kanina kaya sumunod na din sila.He's not in the mood.

Nauna na akong pumasok ng room para ayusin ang mga gamit ko.Wala na rin yung ibang kaklase ko nauna na siguro silang umuwi.Habang inaayos ko yung gamit ko biglang may sumigaw mula sa likuran ko.

"You,b*tch!"Sigaw niya kaya napalingon ako.Pero saktong pagkalingon ko bigla niya na lang akong sinampal.Si Stephanie na naman.

"S-Stephanie? Anong ginawa ko sa'yo?"Takang tanong ko.Di siya umimik at bigla niya akong hinawakan sa leeg na parang sinasakal.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Alam kong sinabi mo kay Edward ang tungkol sa nangyari sa hall! Sinabi mo sa kanya! Walang hiya kang babae ka!"Galit talagang sigaw niya sa akin habang nakahawak pa rin sa leeg ko.

Hindi niya ba alam na masakit na yung ginagawa niya sa akin?! Di ako palabang tao pero sumosobra na ata siya.

"A-ano ba! Nasasaktan na ako!"Sigaw ko sabay tanggal ng kamay niya sa leeg ko.

"Aba! Aba! Lumalaban ka na ngayong babae ka ha!"Sigaw nito at saka naman ako sinabunutan.

"Aray! Tama na,Stephanie!"Nasasaktang sabi ko at di sinasadyang naitulak ko siya kaya napaupo naman siya.

Nabigla naman ako sa ginawa ko.Ghad,hindi ko sinasadya.Kinakabahan ako na baka magsumbong siya kay Edward.

"S-sorry,Stephanie.I didn't mean to--"Di ko naituloy ang sasabihin ko nang tumayo siya at sugurin na naman ako.

"Kapag tinatanong kita,sumagot ka!! Sinabi mo ba kay Edward yung nakita mo sa hall!?"Sigaw na naman niya at hinila ulit ang buhok ko.

Nang biglang may pumasok.Sila Nicole at Abby.

"Hooy! Ikaw na babaeng pinaglihi sa higad na sobrang kati! Ano na namang nangyayari dito? Anong ginagawa mo kay Cassy?!"Sigaw na tanong ni Abby habang papalapit dito sa direksyon namin ni Stephanie.

"Oh? Bakit nandito kayo?! Ano kayo,back up? What the hell!"Sarkastikong sabi ni Stephanie.

"Ikaw! Babaeng anak ng demonyo! Sumusobra ka na ata,ha!"Sigaw ni Abby sabay sampal kay Stephanie na napaatras pa.Ang daming nickname ni Stephanie.

"You,b*tch!!"Sigaw ni Stephanie.

"Cassy,let's go.Hayaan mo na sila dyan."Sabi ni Nicole sabay hila sa akin.

Lumabas na kami.Naiwan si Stephanie sa loob kasama si Abby.Haysst.

"Ayos lang ba na iwan mag isa si Abby dun?"Tanong ko sa kanya.Natawa naman siya.

"Si Abby pa.Lalabas din yun mamaya."Sabi niya sa akin.Tumango naman ako.Nagtuloy ulit kami sa paglalakad.

"Cassy,ayos ka lang ba?"Tanong ni Nicole sa akin.

"Oo naman,okay lang ako."Nakangiti pang sabi ko.Maya maya lang ay lumabas na si Abby at sumunod sa amin.

Anong nangyari kay Stephanie??

"Anong ayos dyan? Namumula na nga yung pisngi mo eh."Sabi naman ni Abby sa akin.Pilit ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"Cassy naman kasi,next time matuto ka ring lumaban.Uso naman lumaban lalo na kung aping api ka na.May permission naman na pwedeng pagsisipain o sampalin si Stephanie eh."Sabi pa ni Abby.Napayuko naman ako at nakinig na lang sa sasabihin nila.Grabe naman yung sipa at sampal.

"She's right,Cassy.Look at me.Naging palaban na ako ngayon dahil ayoko na lagi na lang akong talo.Nakaalis pa nga ako sa impyernong kaharian ni Stephanie eh."Si nicole naman napaisip ako sa sinabi nila at inayos ang buhok ko.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now