CHAPTER 64

389 25 17
                                    

CASSY'S POV

"Aray! Teka lang,ambilis mo maglakad."Reklamo mo sa kanya.Hila hila niya yung kamay ko at ambilis niya maglakad.Nakakaladkad ako.

"Nandito na tayo saka ka pa magrereklamo."Sabi niya sa akin.

"Kanina pa ko nagsasabing magdahan dahan ka eh!"Inis na sabi ko sa kanya.Parang hindi niya naman ako pinapakinggan.Nagkakamot pa siya ng tenga niya.

"Kunin mo yung bola sa locker room."Utos niya sa akin.Tinanggal niya yung polo at sando niya.

"Hoy! Dun ka na lang sa locker room magpalit! Nandito pa ako!"Sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Reklamador ka na nga tapos ang arte mo pa.Kunyari ka pa eh.Nakita mo naman na ito dati.Tss."Sabi niya sa akin.Inis ko siyang nilingon pero nakasuot naman na siya ng basketball jersey niya.

"B-bastos ka talaga!"Sigaw ko sa kanya.

"Blah,blah...get the ball."Sabi niya sa akin at tinuro pa talaga yung locker room.

"Bahala ka,aalis na ako!"Sabi ko sa kanya at magwa-walk out sana pero hinila niya yung buhok ko.

"Aray!"Angil ko.Ang sama ng ugali!

"Hoy,miss assistant manager.I think you forgot what your job is...sinusubukan mo ba talaga ako,Cassandra Perez?"Seryosong banggit niya sa buong pangalan ko.Para akong nakoryente.

"Bakit kailangan mong banggitin buong pangalan ko?!"I tried not to sound intimidated.

"Just get the ball.Daming alam."Sabi niya pa.Dumiretso siya sa court at umupo sa sahig habang nakatingin sa akin na nakataas pa ang kilay.

"Kainis."Bulong ko at pumunta sa locker room at kinuha yung bola.Nang makuha ko na yung bola ay bumalik na rin ako sa court area.

"Oh!"Hagis ko dun sa bola.Natamaan ko yung ulo niya.Di ko naman sinadya!

"Argh! What the fvck!"Galit na sigaw niya.Napahiga pa siya sa floor habang hawak yung ulo niya.

"S-sorry! Di ko sinasadya!"Gulat na sabi ko.Di ko naman talaga sinasadya.Binigay ko lang naman sa kanya yung bola.

"Now you've done it! Mukhang nananadya ka talaga!"Sigaw niya at dahan dahang tumayo habang nakahawak sa may parteng noo niya.

"T-teka lang,Edward...promise di ko sinasadya.Yung b-bola yung may kasalanan."Sabi ko pa sa kanya habang umaatras pa dahil papalapit siya.

"Sh*t."Inis na sabi niya.Parang ang crunchy nun.

"P-punta na lang tayo sa infirmary."Sabi ko sa kanya.

"Ano? Palalakarin mo ako dun?! Ang layo layo ng infirmary dito sa gym! Mabubuhat mo ba ako?!"Inis na sigaw niya sa akin.

"Eh,bibili lang ako ng ice."Paalam ko at saka tumakbo.

"Wag na!"Rinig ko pang sigaw niya.Di ko naman siya pinansin.

Pumunta akong canteen at bumili ng ice cube.Kinuha ko rin yung panyo ko para dun ilagay yung ice.Bumalik na ako sa gym at nakita kong nakaupo siya sa bench.

"Oh,ilagay mo sa noo mo."Sabi ko at iniabot yung panyo na may ice.Tinignan niya naman yun.

"Wag na,ayoko."Maikling sagot niya.

"Ito na nga.Ilagay mo na."Pagpipilit ko pa.

"Ayaw ko nga!"Reklamo niya na naman.

"Ako na nga!"Inis na sabi ko at dinikit yung ice sa noo niya.Madiin.

"Pucha naman!"Reklamo niya na naman at pilit na nilalayo yung ulo niya.

"Ikaw yung reklamador eh."Sabi ko sa kanya.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now