CHAPTER 40 (Edited)

4.1K 107 15
                                    

Edward's POV

'What am I thinking right now??'

Malakas ang pakiramdam kong may masamang mangyayari ngayong araw na ito at ang mas malala pa ay alam kong yung Cassy na yun ang iniisip ko ngayong target nila kaya agad akong umalis ng gym.Pahamak talaga kahit kailan,kapag ako tama ang hinala kong siya talaga ang target nila,mapapatay ko talaga yung Trevor at Greg na yan once na malaman ko kung saan sila nakalungga ngayon.

At alam kong naramdaman nila ang inaasta ko kanina na balak kong puntahan si Trevor at Greg,pero hindi pa yun ang dahilan ko,hindi talaga sila ang balak kong puntahan ngayon dahil hindi ko pa alam kung saan sila nagtatago ngayon.Si Cassy ang kailangan kong puntahan ngayon dahil kapag nadamay yun,maloloko na ako baka mapatay ako ng kapatid na kung tawagin ay John Dale,lalo na at natandaan ko na kung saan ko siyang huling nakita bago pa ang pagrescue nila sa'min sa isla.

Ang pagkakatanda ko ay nakita ko siya sa Australia noon,nung nagpunta kaming anim dun para sana damayan si Cash pero dahil nga sa gusto niya daw mapag-isa..gumala ako ng gumala dun hanggang sa may nakabangga akong grupo at kasali sun ang kapatid ni Cassy.Hindi ko akalaing makikita ko siya ulit dito ngayon.

"A-anong kailangan niyo?"Yung boses na yun,hindi ako pwedeng magkamali.Mabilis kong tinakbo kung saan ko narinig ang boses ko.

Nakita ko nga ang pahamak na si Cassy na hawak ng dalawang freshman siguro itong mga ugok na to,pero halata mong hindi sila taga dito sa University.Mabilis kong tinanggal ang kamay ng isang freshman na nakahawak sa braso niya.

"Anong problema natin dito,pare?"Maangas na tanong niya sa'kin.

"Hindi kayo taga dito sa University namin.Paano kayo nakapasok dito?"Maangas rin na tanong ko.

"Wala ka ng pakialam dun! Akin na nga yang babaeng yan!"Sigaw niya at akmang hahawakan ulit ng isang freshman siya ng mabilis ko siyang sipain sa tiyan...kaya napaluhod ito habang nakahawak sa tiyan niya.

Mabilis kong hinawakan si Cassy at pinapunta sa likuran ko para maharangan ko siya.

"E-Edward,anong ginagawa mo d-dito?!"Tanong niya pero halos manginig ang boses niya sa takot.

"Wag ka ng maraming tanong,mamaya maisipan ko pang ibigay talaga kita sa mga yan.Kahit ngayon lang tumahimik ka muna,kung ayaw mong magtalo na naman tayo dito!"Inis na sabi ko kaya hindi na siya nagsalita pa.

"Siraulo ka!"Pasugod pa lang sana ako nang biglang may sumapak sa isang lalaki.

"Cassy!"

"Kuya!"Sigaw naman ni Cassy agad niyang hinila si Cassy papunta sa likuran niya at hindi man lang ako nilingon.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa kapatid ko?!"Agad na tanong ni John Dale.

"Kapatid mo yan? At girlfriend nitong ugok na to?!"Sigaw ng isang lalaki habang nakaturo pa sa'kin.Agad namang napalingon sa'kin tong John Dale.

"Ano bang pinagsasabi niyo?! Sino bang nag-utos sa inyong targetin yan?! Eh,ako naman ata ang kaaway ng kung sinong letse na yan!"Inis na sigaw ko.

"At bakit naman namin sasabihin sa inyo?! Hoy! binabayaran kami para patayin yang babaeng yan kaya wag kayong magtangkang humarang sa plano namin!"Sigaw pa niya.Nakatikim naman siya ng suntok mula kay John Dale or let's call it J.D for short.Napatumba niya ito at tulog ngayon kaya sinugod naman siya nung dalawang lalaki na freshman,hinila ko naman yung isa para hindi lang siya yung makapag enjoy...isang suntok ko lang tulog yung isa.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now