CHAPTER 48

3.5K 93 40
                                    

LUKAS POV

Tanghali na pero wala pa rin si Ivan.Umaga siya tumawag sa akin pero hanggang ngayon wala pa rin siya.May nangyari kaya sa lokong yun?

*DING!*DONG!*

"Nandyan na ata si Ivan."Si Adrian.

Nasa sala kami ngayon at hinihintay na dumating tong asungot na Ivan na to.Siya na nga itong unang nagsabi siya pa tong huling dumating.Si Edward at Alexander na nasa malayo nauna pang dumating dito sa Ivan na ito.Sigh.

"Oh? Bakit antagal mo?"Bungad sa kanya ni Adrian.

"Wala kang pakialam! Di mo alam kung anong dinanas ko sa daan makarating lang dito!"Hingal na hingal na tugon ni Ivan.

"Tumakbo ka ba papunta dito o nagkotse ka?"Singit naman ni Cash.

"Tumahimik ka,Cash.Sisipain kita pabalik kung saan ka nanggaling kanina.Wag mo kong kausapin,maganda mood ko kanina sinira ng bwisit na Allisa na yan!"Sigaw ni Ivan.

"Wag ka ng maraming satsmat dyan,dahil ang dala mong balita ang ipinunta namin dito kaya bilis bilisan mo at pumunta ka na dito."Si Edward.

"Wala man lang bang patubig or paalak muna dyan?!"Marami pang paikot ikot tong si Ivan,nakakairita.

"Nag order na ako,bilisan mo."Dagdag ko.Lumapit naman na siya kasunod ni Adrian at umupo sa tabi ko.

"Nandito na si Allisa---"

"Alam namin.Sinabi na ni Lukas."Sabay sabay nilang tugon.

"Ano ba! Patapusin niyo ko! Wag kayong sumabat!"Sigaw ni Ivan.

"Oh? Ano na?"Sabay sabay na naman naming sabi.

"Saglit lang! Ako lang kasi magsasalita!"Sigaw pa ulit ni Ivan at nagkamot ng ulo.

"Mukhang may binabalak na plano si Allisa dito sa pagdating niya sa Pilipinas."Panimula ni Ivan.Nakinig naman kami at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Nung magkita kami kanina halos magulat ako sa iniba ng itsura niya.Mukhang nagpalagay pa ng silicon sa matibay na pader niya tapos tumambok yung pwetan niya."Dagdag pa na kwento ni Ivan.

Tsk,di naman namin kailangan ng ganyan na impormasyon tungkol sa mga yan.

"Mukhang nagparetoke din siya ng mukha pero mapapansin mo pa ring siya talaga yun.Sa ugali,sa hugis ng katawan may nagbago ng kaunti pero siya pa rin sa pananalita at higit sa lahat mukhang baliw pa rin."Sabi niya.Halos ikinagulat ko rin ng marinig ko mula kay Ivan ang tungkol sa pagpunta ni Allisa dito sa Pilipinas.

"Actually,naalala niyo naman siguro yung nangyari sa nakaraan natin kasama siya di ba? Ang saklap! Lahat tayo naranasan yun maliban kay--"

"Sa akin."Napalingon kaming lahat sa pagkakabanggit ni Cash nun.

"Mukhang ako nga ang balak niyang isunod."Nakatungong tugon ni Cash.

"We need to be careful.Lalo ka na."Nag aalalang sabi ko.

"Seriously.Hindi pa rin niya tayo tinatantanan?! Ano ba siya?!"Galit na tugon ni Adrian.

"Walang magagawa ang emosyon,Adrian.Kung gusto mong mawala talaga sa landas natin si Allisa isa lang ang paraan."Seryosong tugon ni Edward.

"Maraming nawala sa ating anim.Ayoko ng may madamay pa."Sabi ko.

"Kailangan nating mag ingat dahil kung hindi siya madaan sa pakiusapan,dadaanin natin sa paspasang kamatayan."Sabat ni Edward.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now