CHAPTER 32(Edited)

4.7K 166 4
                                    

Ivan's POV

Seriously,kuya ni Cassy yun?! I still can't believe it!
Taena! Kung ano ano pa naman ang nasabi ko dun sa John Dale na yon tapos.Ahhh!!! Ano ba itong ginawa ko?!

Paksheet! Hindi ko na kaya ang mga nagaganap! Kaya pala sinabi niya yun dun sa office nung na baka wala na kong pag-asa kay Cassy lalo na sa kuya niya! Kasi siya pala yun!

Baka di ko na maligawan si Cassy nan! Kailangan ko pa bang magsorry at makipagkaibigan dun sa mokong na yun?! este sa kuya niya pala?!

Actually totoo naman lahat ng sinabi ko.Mayabang naman talaga siya,mahangin at mas gwapo ako.

Anong mali dun?! Manliligaw ni Cassy si Dale ang mali dun! Ibig sabihin...yeah! Walang manliligaw si Cassy bukod sa akin!

"Kung papayagan ka."Nabalik ako sa totoong mundo ko nang marinig ko si Adrian.

"Ano kamo?"Tanong ko.

"Kanina ka pa dyan nagsasalita mag isa.Di mo ba alam na kanina pa kita natatalo sa game?! daydream ka ng daydream dyan!"Sigaw niya.

"Di yan yung ibig kong sabihin.Ang tanong ko,ano yung sinasabi mong di ako papayagan?!"Tugon ko.

"Sa tingin mo,papayag pa yung kapatid ni Cassy na maligawan mo yung kapatid niya.Matapos mong pagsalitaan ng di maganda.Ulul ka.Wala ka na talagang pag asa kay Cassy kapag ganun."Sabi sa'kin ni Adrian.

"Aba! siraulo ka ba?!"Sigaw ko kay Adrian.

"Kung ako sa'yo puntahan mo na lang siya sa bahay nila at kumustahin mo si Cassy para may dagdag points ka naman sa kapatid niya.Bahala ka dyan.Kung ako sa'yo bilis bilisan mo na baka maunahan ka pa.Mamaya dalawin na siya nila Cash dyan."Sabi sa akin ni Adrian.

Tama,tama...pupuntahan ko na lang si Cassy.Di ko siya nakumusta nung dumating kami.Paano ba naman kasi,yung kuya niya!

*Flashback*

"Cassy..."Tawag ko sa kanya.Nilingon niya naman ako.

"Ivan,bakit?"Takang tanong ni Cassy sa akin.

"Ah,Cassy...gusto lang sana kitang kumustahi---"Di ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang humarang yung kapatid niya.

"Cassy,let's go.You need to rest and also,I need to talk to you.Kailangan pa kitang ipa-check up."Parang wala ako dito ah.Tae! Sarap masapak nito!

"Ah,okay kuya...Ivan,I need to--"

"Let's go,Cassy."Tawag sa kanya ng kuya niya saka siya hinawakan sa balikat at inalalayan papasok ng kotse nila.

Loko! Di man lang ako pinatapos magsalita dito!

*End of Flashback*

"Sige,sige...buti sinabi mo.Good idea,pupunta na lang ako dun."Sabi ko at saka tumayo sa kama.

"Sama ako sayo,kukumustahin ko rin siya."Sabi ni Adrian at saka ibinaba yung controller ng nilalaro namin sa PS4 at saka siya tumayo.

"Wag na,wag na.Alam mo,dito ka na lang.Bantayan mo na lang itong bahay ko para may magawa ka naman.Nakikikain ka na nga lang at nakikitulog sa bahay ko eh."Sabi ko sa kanya at pinaupo ulit siya.

"Ginag*go mo ba ako? Bahay ko ito kung nakakalimutan mo.May guard ako at wag kang mag alala saka loko ka.Ikaw kaya ang palamunin dito sa pamamahay ko! Isa kang malaking PALAMUNIN dito! Wag mo kong baliktarin!"Sigaw niya sa akin.

dO____Ob 'Palamunin?!!'

"A-ah,sorry na.Di mo na kasing kailangang sumama pa! Okay na.Ako na lang! sige na,mauuna na ako.Tuloy mo na lang yang paglalaro mo.Sasabihin ko na lang kay Cassy na gusto mo siyang kamustahin."Nakangiting tugon ko at kinuha ang susi sa study table ni Adrian at nagmadaling lumabas.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now