CHAPTER 19(Edited)

4.5K 97 8
                                    

Abby's POV

Hellowws! Abigail Bautista nga pala.Ang Manager ng basketball team na RED LIONS hehe!!

Yung mga players ng basketball team ay mga bad boys kung tawagin ng iba.

Pero tama naman sila.Mga basagulero,playboy,gangster,loko loko.Yun ang tawag ng mga iba sa kanila pero para sa akin.One word lang ang pwedeng mai-describe silang lahat. DEMONYO.Mga demonyo sila! Charr! Mababait naman sila.Yun nga lang,matakaw lang sa away.Routine na nila yun.Since ako ang manager,alam ko na ang mga pinaggagawa nila.

Let's get back to the Story.Wow,tama ba english ko?

Nasa parking lot na ako nang makita ko si Nicole na pasakay pa lang sa kotse niya.

"Nicole,saglit lang!"Tawag ko sa kanya.

Nilingon niya naman ako.

"Oh,Abby ikaw pala,bakit?"Takang tanong niya.Ngumiti ako at umakbay sa kanya.

"Papayag ka naman di ba?"Taas kilay na tanong ko.

"Huh? Saan naman ako papayag? At saka wala ka pa ngang tinatanong sa akin eh,ano? Saan nga?"Takang tanong niya ulit.

"A-ah,haha! Oo nga pala noh? Well,sorry naman. Excited lang naman ako hehe."Sabi ko naman. Natawa naman siya.

"So,saan nga ako papayag?"Tanong niya.

"Ganito kasi yun,nanalo kasi yung team.I-cecelebrate namin yung pagkapanalo nila.Alam mo naman si Coach.Importante lahat ng laro sa kanya basta manalo kami.Alam mo na,malapit na makamit ng team ang Championship.Kaya gusto sana kitang iinvite."Sabi ko.Napaisip naman siya.

"Ah,ganun ba? Sige ba."Sabi niya.Yehey! Tatlong girls na kami haha!

"Good! Kita na lang tayo dito sa tapat ng School ah.Mga 7pm mamaya."Sabi ko.Tumango naman siya.

"Okay,kitakits na lang."Tugon ko at kumaway na.Sumakay na rin siya sa kotse niya.Itetext ko nga muna si Cassy.

♥♥ABBY♥♥

Cassy,kita na lang tayo sa tapat ng school ah.Mga  7pm.See you!
Delivered 5:58 pm

Maya maya biglang nagvibrate ang phone ko.Kinuha ko yung phone sa bulsa ko.

♥♥CASSY PIE♥♥

Okay,sige.See you din.
Delivered 6:02pm

Nagpara na ako ng jeep...commute muna.

Maya maya lang ay nakarating na ako sa bahay ko.

Cassy's POV

"Ma'am Cassy,gutom na po ba kayo? Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain?"Tanong ni yaya Cherry.

"Ah--"Di ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.

~ATE ELIZA~

Hey couz! Pwede mo ba akong sunduin dito sa airport.Busy si Honey kaya hindi niya ako masusundo eh.
Delivered 6:17 pm

Nabasa kong text ni Ate Eliza.Alah! May pupuntahan ako mamayang celebration party.

Tinignan ko ang relo ko.Hmm...6:17pm pa lang pwede pa naman siguro.Medyo malapit lang naman yung airport dito eh.

Hahabol na lang ako mamaya...

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now