CHAPTER 63

371 21 5
                                    

CASSY'S POV

"Cassy,pwede ba akong pumasok?"Tanong ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.

"Sige lang kuya,pasok ka na."Sagot ko naman habang tinatali yung necktie ng uniform ko.

Bumukas naman yung pinto at pumasok si Kuya.Lumapit siya sa akin at siya ang nagtali nung necktie ko.

"Cassy,hindi kita masusundo sa school eh.Pupunta kasi ako sa hospital para kamustahin yung lagay ni Manong Oscar saka dadalhan ko rin ng damit si tita Pearl at breakfast nila."Sabi sa akin ni Kuya.

"Ah,okay lang magcommute na lang ako pauwi mamaya."Sabi ko kay Kuya.

"It's not safe.Absent ka na lang."Sagot niya sa sinabi ko.Tinaasan ko siya ng kilay.Sakto namang tapos niya na rin itali yung necktie ko.

"Absent? Kuya,nag-excuse na tayo nung isang araw pa.Baka hindi na ako makagraduate kakaabsent na lang.Pagtingin ko sa record card ko baka puro absence na lang ang nandun."Sabi ko sa kanya.Natawa naman siya sa sinabi ko.

"HAHAHAHA,joke lang.Ipapasundo na lang kita kay Rider,mamaya."Sabi ni Kuya.Tumango naman ako.

Inayos ko na yung gamit ko at bumaba na kami ni Kuya para kumain ng breakfast.Saglit pa ay may tumawag sa kanya kaya nagpaalam muna siya na sasagutin niya iyon.

* * * * * * *

"Cassy,kailangan kong pumunta sa office ni Dad.Mukhang hindi kita mahahatid sa School mo eh.Urgent kasi eh,pinatawag ako."Sabi ni kuya.May pag aalala sa mukha niya dahil iniisip niya na naman ako.

"It's fine,kuya.Kukuha na lang ako ng grab para may safe ako at di mo na kailangang mag alala."Sabi ko habang pina-pat pa siya sa balikat.

"Are you sure? Hatid na lang kaya muna kita.Hayaan mo ng malate ako sa meeting sa office."Sabi pa niya.Tumayo na ako dahil tapos na rin naman akong kumain.

"Hindi na,maghihintay na lang ako ng grab.Magbo-book na ako.Baka importante yung pag uusapan dun.Mas mabuti pang pumunta ka na kuya."Pagsisigurado ko pa sa kanya.

"Mas importante ka naman kesa sa meeting."

"Aww...sige na,sige na.Malaki na ako saka wg kang mag alala.Safe talaga ako."Sabi ko pa sa kanya.

"F*ck.Fine,alis na ako.Stay inside habang wala pa yung grab."Utos niya sa akin.Tumango naman ako.

Tumango siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago niya kunin yung coat niya tsaka lumabas ng mansion.May sinabi pa siya sa butler namin bago lumabas ng mansion.

"Ma'am Cassandra.Babantayan muna kita habang wala pa yung susundo sa'yong grab."Sabi sa akin ng butler namin.

"S-sige lang po."Sabi ko.Tumango naman ito at pumunta sa gilid at nakatayo lang siya dun.

'Seryoso nga siya sa pagbabantay.'

Ilang minuto pa man bago makaalis si Kuya ay naisipan ko ng magbook ng grab.Pero bago ko pa man magawa biglang may bumusina mula sa labas at saktong pasok ng guard sa mansion.

"Ma'am,may nag aabang po sa inyo sa labas."Sabi ng guard sa akin.Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Po? Sino daw po?"Tanong ko.

"Grab taxi daw po.Pero mukha pong pamilyar yung itsura eh."Sabi sa akin nung guard.

Grab? Wala pa naman akong na-book ah pero familiar daw yung itsura nung driver.

"A-ah...baka yan na ata yung na-book kong taxi."Kunyaring sabi ko.

"Ma'am,i-check ko lang kung sino yung nasa labas."Sabi ng butler namin.Pinigilan ko naman siya.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now