CHAPTER 12(Edited)

5.4K 133 2
                                    

Cassy's POV

"So,what brings you here?"He asked.

"Ah,well--"Di ko naituloy ang sasabihin ko nang may sumigaw na lalaki.

"Hoy! Ano na naman bang ingay yan!?"Sigaw lang naman nung sinungaling na si Edward.

Naalipungatan naman ang iba dahil sa sigaw ni Edward.

"Hoy,bro! Bakit ka ba sumisigaw dyan,ha?!"Sabi naman ni Daniel ata ito.

"Pucha! Paano ba namang hindi ako sisigaw.Ang iingay niyo ba naman!"Sigaw naman niya.Bakit ba sila nagsisigawan? Magkakalapit lang naman sila sa isa't isa.

"Ikaw nga itong maingay eh!"Sigaw naman Ivan sa kanya.

"May sinasabi ka ba?!"Inis na sabi naman ni Edward.Di naman na umimik si Ivan.

Narinig kong napabuntong hininga si Lukas.

"I'm sorry about that.Ganyan lang talaga sila. Masanay ka na."Sabi ni Lukas sa akin habang nagkakamot pa ng ulo.

"It's okay."Pilit ngiting sabi ko.

"Hoy! Magsibangon na nga kayo dyan.May magandang bisita tayo!"Sigaw ni Lukas sa kanila.

Napalingon naman sila dito sa bleacher kung saan ang direksyon namin ni Lukas.Inaninag pa muna nila ako bago sila nabigla at agad na bumangon.Bumaba kami ni Lukas ng bleacher papunta sa court.

"C-Cassy?"Gulat na pagkasabi ni Ivan.

"H-hey,guys."Tipid kong sagot.

"Cassy? What are you doing here?"Takang tanong ni Alexander.

"Good news! Siya ang magiging assistant manager natin."Nakangiting sabi ni Lukas.

"Ikaw? Ikaw yung maigiging assistant manager namin?"Tanong ni Cash na papalapit na sa gawi namin.

Ngumiti muna ako bago sumagot."Yes."

"Akalain mo yun,may nadagdag na bagong magandang dilag sa team natin."Sabi nung isa di ko siya kilala.I think siya yung taga ibang klase.

"Let me introduce myself first.I am Daniel Marcos.Nice to meet you."Pakilala niya sabay nakipagkamay sa akin.Inabot ko na rin ang kamay ko sa kanya.

"I'm Cassy,Cassy Perez."Tipid kong sagot.

"I'm James Villanueva,we're from the other class."Sabi nito ang handshake rin sa akin.

"Cassy,huh?"Si Edward naman tumingin ako at nakita kong siyang naka halfnaked lang kitang kita ko ang abs niya na may kasamang pawis.Agad namang may humarang sa harap ko.Si Alexander.

"Bro,what the f*ck? Put your shirt on.You're topless, may babae dito."Sabi ni Alexander.Nginisian niya lang ito.Pumunta siya sa bench para kumuha ng sando.

"Oh,tubig.Mga leche kayo.Pinagod niyo ako tapos maaabutan ko lang na magsisitulog kayo.Ang kakapal rin naman ng mga mukha niyo.Practice pala,ha."Inis na sabi ni Lukas sabay pabatong itinapon sa kanila ang bottled water.

"Ano nga palang meron,miss assistant manager?" Takang tanong ni Alexander tapos nginitian naman ako nila josh at jake habang kumakaway sa likod.I waved back.

"Uh,gusto kasi ng St.Paul na makalaro ang team niyo kaya binigay sa akin ito ni Coach para makita niyo."Binigay ko kay Lukas ang mga list.Kinuha niya naman ito.

"Nandyan na ang date at lugar kung saan gaganapin ang practice game niyo against St. Paul players.Kailangan niyong maghanda kahit practice lang iyon."Paliwanag ko sa kanila.Agad namang nagreact ang team.

"Sus! Wala yan,talo yang mga yan sa Red Lions!"Sabi ni Ivan.

"Tss,easy lang yan sa amin."Isa pa si Adrian habang pinapagpag pa ang parte ng balikat.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now